Kapangan, Benguet – Nabigyan ng pagkakataon tulungan ng SM Foundation Inc. ang mga magsasaka sa Kapangan, Benguet. Sa pamamagitan ng programa ng SM Foundation, ang Kabalikat sa Kabuhayan on Sustainable Agriculture Program na pinangunahan ni Assistant Vice-President Christie S. Angeles ng SM Foundation – Outreach Program ay napagkasunduan nila Kapangan mayor Manny Fermin at ng SM Foundation kabilang ang ilang partners na
ahensya ng Department of Agriculture (DA), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na magkaron ng sariling pagkakakitaan ang mga magsasaka at matuto na maging negosyante sa pamamagitan ng kanilang mga pananim.
Nakapaloob rito ang mga tulong ng KSK ay ang libreng 90 days training program, once a week sila papasok at 14 weeks na pagaaralan nila ang land prep, social prep, planting to harvesting and marketing until maka graduate sila sa harvest festival pero yun programa ay tuloy-tuloy para sa mga magsasaka.
Bawat isang magsasaka ay mabibigyan ng supply and materials para magamit nila sa kanilang lupain, sa tulong rin ni councilor Andrew Bentrez ay naipahiram nito ang kanyang lupa na 100 sq/m sa SM Foundation na kung saan ay magagamit ng mga magsasaka para pagtaniman na dito rin nila makukuha ang pang puhunan.
Sinabi ni Angeles, “Nais namin na magkaroon kayo ng lakas ng loob na pasukin ang pagiging tunay na negosyante, ang SM ay tutulong sa Inyo para kayo ang maging supplier namin at sa ibang target market, marami ang pwedeng pagbagsakan ng inyong gulay, kaya meron po tayong convergence ay para we can have all one another to put all of them proper prospective, upang tuloy-tuloy ang tulong mula sa gobyerno at tulong ng private sector, binigay na po namin ang component mula sa training, pagtuturo kung paano palawigin ang inyong negosyo na balang araw ay madali niyo na lang magagawa ito basta interesado lang po kayo at nasa inyong mga kamay ang sipag at tiyaga,” ani Angeles Suportado naman si mayor Fermin sa programa ng SM Foundation at maayos nito hinimok ang mga magsasaka na ito ang unang pagkakataon para mabigyan ng pangkabuhayan ang kanyang kababayan dahil ang Kapangan ay may 80 porsyento na magsasaka at layunin rin na maging tourist farm ang Bayan ng Kapangan.
Mario Oclaman/ ABN
May 3, 2025
May 3, 2025
May 3, 2025
May 3, 2025