SMALL WORLD CHRISTIAN SCHOOL FOUNDATION, NAKAMIT ANG IKALAWANG PWESTO SA PALARONG PANLUNGSOD

BAGUIO CITY

Pinarangalan ng Pamahalaang Lungsod ng Baguio ang Small World Christian School Foundation football team (Elementary) sa pamamagitan ng Resolusyon Blg. 137, Serye ng 2025. Sa resolusyon, ipinahayag ng konseho ng lungsod ang kanilang pagbati at
pagpupugay sa koponan para sa kanilang pagkamit ng ikalawang pwesto sa kanilang unang pagsali sa Palarong Panlungsod Football
Championship, noong Pebrero 2025. Bukod pa rito, kinilala ang kanilang tagumpay bilang unang pribadong paaralan na
nakapasok sa finals ng nasabing paligsahan.

Ang koponan ay sinamahan ng kanilang School Head na si Mrs. Imelda Casuga, mga coach na sina Aliyah Malit, Ralph Gazmen, Rykart Neri Jr., at mga guro na sina Brenda at EJ. Ang mga miyembro ng koponan ay sina Jove C. Addawe, Jeoff Bernard A. Estavillo, Paul Chester F. Agustin, Izzy Madison M. Mallari, El Yohan S. Anievas, Carreon Krysztoff P. Pachao, Yeshua Rain S. Anievas, Leighton Ezykiel Sibayan, One Elijah C. Banal, Zian Maurice Sibayan, Prince Jun P. Cariño, Sebastian Jacob S. So, Aisaiah P. Castro, Prince Jian C. Vega,
Josiah Hadriel S. Cerezo, Prince Liam C. Vega, James III F. Da Silva, Yossef Gerico A. Velez, Gavin Amery A. Espino, at Drey Theodonn S. Vinluan.

Ayon sa resolusyon, ang koponan ay nagpakita ng “exceptional skill, teamwork, and sportsmanship.” Ang tagumpay na ito ay nagpapakita ng dedikasyon ng Small World Christian School Foundation sa pagbalanse ng akademikong pag-aaral at pagpapaunlad ng mga social
skills ng kanilang mga estudyante. Binigyang-diin din ng resolusyon ang pagbibigay inspirasyon sa mas malawak na partisipasyon at suporta para sa mga student-athletes sa Baguio City. Hinikayat din ang mga proud parents na makiisa sa picture-taking kasama ang
koponan. Gayundin, ang mga coaches na sumama sa kanilang mga manlalaro para sa pagkuha ng larawan. Ang milestone na ito ay nagpapatunay sa kahusayan ng mga kabataan ng Baguio City sa larangan ng sports, at nagbibigay ng karangalan sa kanilang paaralan at sa buong lungsod.

Daniel Mangoltong/UB-Intern

Amianan Balita Ngayon