LA TRINIDAD, Benguet
Mahigpit ng ipapatupad ng municipal government ang pagbabawal ng paninigarilyo sa mga pampublikong lugar, maging ang pagbenta o’ pag-advertise nito, bilang suporta sa pagiging Smoke-Free ng bayan, simula sa Marso 30. Sa bisa ng Municipal Ordinance No.02-2024 na inaprubahan noong Enero 30,2024, ay nakasaad ang Regulating the use, sale, distribution and advertisement of cigarettes and other tobacco products, Electronic Nicotine and Non-Nicotine Delivery Systems (ENDS/ENNDS), Heated Tobacco Products (HTPs) and other Novel Tobacco Products (NTPs) in the municipality of La Trinidad, Benguet, imposing penalties for violation thereof and providing funds and for other purposes.
Ang ordinansang ito ay gawa nina Councilor Guiller Galwan at Belmer Elis, kasama ang 10 konsehal, na may layuning masiguro ang kaligtasan sa kalusugan ng mamamayan at maitigil ang bisyo na paninigarilyo, mapaturista o’ residente, ay dapat sumunod dito. Ayon sa La Trinidad Municipal Police Station, magtatalaga sila ng mga “spotters” na tatayo bilang civilian police workers, para manman ang sinumang lalabag sa ordinasang ito. Sa mga lalabag sa
ordinansang ito ay may pataw na P1,500 (first offense), P2,000 (second offense), P2,500 hanggang pagkakakulong (third offense).
Habang ang pataw para sa mga establishimentong lalabag ay: P2,500 (first offense),P 2,500 + warning from Mayor’s Office, P2,500 hanggang pagkakakulong (third offense), kasabay ng pag-suspinde sa negosyo at pagkumpiska sa
mga paraphernalia ng negosyo. Kasabay nito ay ang mahigpit na ipinagbabawal para sa mga establisyementong
nakapaloob (100 meters) malapit sa paaralan, palaruan, o’ pasilidad na magbenta sa mga menor de edad (21 pababa).
Carl Aggasi Paterno/UB-Intern
October 5, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024