SONA ni Digong, ano kaya ang laman?

Jul 22, 2017

Malaking palaisipan kung ano ang lalamanin ng ikalawang SONA (State of the Nation Address) ni Pres. Duterte bukas. Samut-sari na ang mga hula sa mga huntahan. At meron pa ngang nagpupustahan na, eh. Na ano? Papaano ang pustahan? Kung magmumura daw ba o hindi si Digong. Mas marami raw ang pumustang magmumura. Tsk tsk, sa ganang amin, marami ang mananalo. Kailan ba naman nagsalita ang pangulo sa isang pagtitipon na hindi nagmura o hindi nagpahapayaw? Katauhan na niya ito at siya’y tao lang na may karapatang magsabi ng gustong sabihin. Lumalaki kasi ang isyu kapag sinakyan ang kanyang mga pangiliti lalo pa ng mga taong hindi pinagtampuhan ng ngiti, mga tao raw na walang kiliti.

******
Sa personal na panayam ng Tambalang Edong Carta at Jimmy Luzano ng Z-Radio kay Sec. Martin Andanar kamakailan, baka raw mas mahaba ang ikalawang SONA ni Digong kumpara sa nauna. Kasi nga naman daw sa dami ng accomplishments nito sa loob lamang ng isang taon. Sabi nga ng marami: parang accomplishments na ito sa loob ng dalawa o tatlong taon ang kalipunan ng mga nagawa ng pangulo. At dahil dito, ika ni Sec. Andanar, malamang na may kahabaan ang speech. Ang masaklap kung hindi babasahin (na naman) ni Digong ang kanyang script at babanat  na ang kanyang adlib. Tiyak na hahaba nga ang SONA. Mas kinalulugdan kasi ng madlang people ang kanyang mga adlib o pahapyaw dahil lumalabas dito ang tunay niyang saloobin maski may kahalong mura. Aba’y kung totoo nga naman, bakit di niya ibubulgar? Mahirap ang maligoy. Deretsahin mo na, pards.

******
Sabi nila, tiyak na ang pangunahing lalamanin ng SONA bukas ay ang programa kontra illegal na droga. Mabunga ito dahil tambak ang mga nakumpiskang droga, sandamukal ang mga sumuko at naaresto, at marami-rami rin ang nasa 6 feet below the ground. Katunayan, dahil sa kampanya kontra droga, may senador pang nakulong bagamat tuloy pa rin daw ang drug trade sa Bilibid kung saan idinadawit ang senadora. Tiyak ibibida rin ng pangulo ang kanyang nagampanan sa paglilinis sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan lalo na sa mga markadong may kakurakutan. Katunayan nga, ilang appointees niya mismo ang kanyang sinibak dahil sa palpak na trabaho. At siyempre, bida ang kanyang kampanya kontra  terorismo at kriminalidad. May negatibo mang mga kumento, kita naman ang suporta ng mas nakararamia. Ang ebidensiya ay ang resulta ng pinakahuling survey ng Pulse Asia kung saan, tumaas hanggang 82% ang approval ratings niya at 81% ang trust rating. Yan si Pres. Duterte. Hindi natinag sa mga batikos lalo na hinggil sa idineklarang Martial Law.

******
Habang sinusulat ang espasyong ito, may sulat na sa Kongreso si Digong hinggil sa isyu ng ekstensiyon ng batas military. Gusto ng pangulo na ma-extend pa sana ang Martial Law hanggang Dec. 31, 2017 dahil marami siyang dapat gawin para sa mas matatag na Mindanao. Kung ito ay mapapaboran, abangan. At balik-SONA tayo kung saan ang tiyak na bidang laman ay ang nagaganap ngayon sa Marawi kung saan tumataas pa rin ang bilang ng casualties o namamatay sa panig ng terorista, gobyerno at sibilyan. Sabayan na lang natin  ito ng taimtim na dalangin na sana’y matapos na ito at di na mangyayari sa iba pang lugar sa Mindanao at bansa. Mabuhay ka Sir Digong!

RELATED POSTS

QUITE UNDERSTANDABLE

Senator Loren Legarda is a champion of several causes including that of preserving and protecting the environment and promoting livelihood...

SINGKWENTA

On the day of commemoration of Martial Law, I decided to be poetic and cryptic, posting on my social media an allusion to the sinister...

URONG SULUNG

TILA BANTULOT ang mamamayan na alisin ang facemask sa kanilang mga mukha kapag nasa outdoor setting. Nitong mga huling araw, habang...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest