BAGUIO CITY
Mahigpit ang babala ngayon ng city government sa mga motorista, lalo na sa mga turista, dahil mahigpit na ipinapatupad ngayon sa Summer Capital ang City Ordinance No.18, Series of 2019 o ang Speed Limit Ordinance at Ordinance No. 7- 2010 o King of the Road
Ordinance, na sa nakalipas na 15 taon mula ng ipasa ito ay hihigpitan na ang implementasyon nito Sa ilalim ng City Ordinance No.18, ang mga motorista ay may maximum na bilis lamang na 20 kph sa loob ng Central Business District at 30 kph sa lahat ng inner roads.
Sa pamamagitan ng makabagong ‘speed gun’ na hawak ng mga traffic enforcer ay mabilis na madedetect ang bilis ng isang sasakyan at
magbibigay-daan na masubaybayan ang mga bilis ng sasakyan nang mas tumpak at mapahusay ang pagiging epektibo ng mga pagpapatakbo ng pagpapatupad ng trapiko sa iba’t ibang mga klasipikasyon ng kalsada sa lungsod. Sinimulan ang operasyon nito noong Hunyo 14-15, na kung saan ay 22 motorista ang nahuli, matapos maitala ang kanilang bilis sa pagmamaneho mula 40 kph hanggang 58 kph base sa mga speed measuring gadgets ng BCPO.
Ang pagpapaigting sa pagpapatupad ng ordinansa at pagbili ng speed gun ay bilang aksyon sa pagtataas ng aksidente, na karamihang naitala ay dulot ng “human error” na may kinalaman sa overspeeding. Ayon kay City Director Col.Ruel Tagel, ang operasyong ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap na mapanatili ang Baguio bilang isang ligtas, pedestrian-friendly, at walkable na lungsod. “Bukod sa speed gun ay mga mga breathalyzer na din tayo para mabilis nating masuri ang isang drayber kung nakainom ito ng alak sa kanyang pagmamaneho, kaya sana ay maging iresponsable sana ang ating mga drayber na sundin ang ordinansa,para nadin sa kalidtasan ng bawat – isa,” pahayag pa ni Tagel. Sa ilalim ng Ordinance No.18, Series of 2019, ang sinumang lumabag ay sasailalim sa mga sumusunod tulad ng limitasyon sa bilis ng trapiko.
Mga parusa:
First Offense fine P500.00, concurrent penalty Four (4) hours on road safety. Second offense – P2,000.00, four hours (4) seminar on road safety and tree (3) hours community service, and Third Offense – P2,500.00, Concurrent Penalty – Impoundment of motor vehicle and imprisonment of less than thirty (30) days, at the discretion of the Court. Kaugnay nito, binabalangkas ngayon ng Traffic and Transportation Management Division ng City Engineering Office, Traffic Enforcement Unit ng BCPO at ng City Legal Office ang panukalang amendment para isumite sa konseho ng lungsod.
Matatandan, na humiling si Mayor Benjamin Magalong sa Konseho na irepaso o amendyahan ang nasabing odinansa para ayusin ang speed restrictions upang matiyak na angkop ang mga ito sa isang partikular na lugar. “We tried running at 30 kph along South Drive and it is not advisable. It should be around 40 kph. Same is true with Loakan Road, Kennon Road and Marcos Highway. We need to look at other roads where 20- 30 kph limit is not appropriate. We have to be discerning regarding our speed limits. We need to amend our ordinance kasi may speed limits na hindi advisable,” paliwanag ni Magalong.
Samantala, hindi lamang overspeeding ang binbantayan ngayon ng kapulisan, kundi ang mahigpit na pagpapatud din ng King of the Road
Ordinance. Ang ordinansa ng King of the Road ay nag-uutos sa mga motorista na gumawa ng limang segundong full stop bago ang mga pedestrian lane. Ipinagbabawal din nito ang pagharang sa anumang bahagi ng pedestrian lane. Sa implementasyon, may kabuuang 490 motorista ang nahuli dahil sa paglabag sa ordinansa mula Mayo 29 hanggang Hunyo 9. Ayon kay Tagel, ang pagpapatupad ng ordinansa ay bilang bahagi ng Operational Plan Discipline, Respect, Infrastructure, Vigilance and Education (Oplan DRIVE) ng BCPO.
Aniya, ang Oplan DRIVE na ngayon ay ipinapatupad sa 14 Police Station ay naglalayong tugunan ang dumaraming vehicular traffic incidents (VTIs) sa lungsod. Ang mga lumalabag ay nahaharap sa kaukulang parusa at kinakailangang pagdalo sa mga mandatoryong seminar sa trapiko. Sinabi ni Tagel na nilalayon nilang panatilihin ang Oplan DRIVE bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap nitong palakasin ang pagpapatupad ng batas trapiko at isulong ang kaligtasan ng publiko sa lungsod.
Zaldy Comanda/ABN
June 28, 2025
June 28, 2025
June 28, 2025