Matunog po ang issue ngayon tungkol sa paghatol ng Davao Regional Court kina ACT TEACHER REP. FRANCE
CASTRO AT DATING BAYAN MUNA REP. SATUR OCAMPO at iba pang mga kasamahan nito sa kasong pag abuso ng mga menor de edad na Lumad. Nais ko po sanang maghayag ng saloobin tungkol dito bilang bahagi ng indigenous community dito sa Cordillera. Una sa lahat, napakasakit isipin na ang nananamantala sa ating mga kabataang katutubo ay mga kapwa Pilipino at nagpiprisintang tagapagtanggol ng mga naapi.
Lubos akong naantig sa mga kabataang Lumad nang mapanood ko ang balitang sa kalaliman ng gabi sila ay hinakot
ng walang sapin sa paa at walang permiso o pahintulot ng magulang. Rescue operation daw ito pero bakit walang kasamang awtoridad o kapamilya ng mga batang Lumad? Malinaw na mayroong mali sa proseso at merong nagsisinungaling dito. Bilang ama, nakakagalit na malamang bigla na lang may nagsama sa iyong anak sa kadiliman ng gabi, na walang sapat na panangga sa anumang pagsubok na haharapin nya.
Ang insidenteng ito ay patunay ng pagpapanggap ng mga taong nanghihikayat ng kabataan sumali sa kanilang grupo pero dinadala pala sa kapahamakan ang ating mga katutubo. Sa kabila ng kahayupang pinaggagawa nila ay maatim pa nilang sabihin na sila ay tagapagtanggol ng mga IPs. Kaya sa akin bilang isang ama at kasapi ng national minority,
nagpapasalamat ako sa naging hatol ng hukuman ng Tagum City sa Davao sa ganitong hakbangin ng grupong ito.
Nakakatangal ng pangamba na minsan pa napatunayan ng batas ang pangil nito sa tunay na mapagsamantala at ganun din sa pagkakataong naiparamdam ng batas sa mga kabataan ang tunay na kahulugan ng hustisya. Sa mga kapwa ko IP at magulang, bantayan po natin ang ating mga anak para mailayo sa ganitong sitwayon. Alalayan po
natin sila tungo sa magandang kinabukasan. Tandaan po natin ang mga pangalang ito at kung makakapal pa ang mukha na kumandidato sa susunod na eleksyon…sama-sama natin silang singilin kasama ang mga iba pang grupo nilang mapagsamantala para hindi na sila makaperwisyo pa.
December 9, 2024
December 9, 2024
December 9, 2024
December 9, 2024
December 9, 2024
December 9, 2024