STOBOSA MULING BIBIGYANG KULAY

LA TRINIDAD, Benguet

Inilunsad ang muling pagpintura sa mga kabayahan ng hillside homes artwork ng Sitios Stonehill,
Botiwtiw, and Sadjap (StaBoSa) ngayong buwan ng Marso, na tinaguriang isa sa mga sikat na
atraksyon sa may Km.3, La Trinidad,Benguet. Ang Davies Paints, Chanum Foundation, katuwang
ang lokal na pamahalaan ng La Trinidad at mga residente ng StoBoSa, ang mangunguna sa re-paintiung sa lugar. “We want to do this earlier, but because of the pandemic hindi natin natuloy agad,” pahayag ni Albert Gan Lee, executive vice president ng Davies Paints.

Ayon kay Lee, ang proyektong ito ay nagpapaalala kung gaano ka importante ang pagkakaroon ng pagkakaisa at katatagan sa isang komunidad upang mas lalo pa itong pagandahin. Layunin ng aktibidad ang bigyang buhay ang pintura at disenyo ng mahigit sa 300 kabahayaan ng StoBosa, gamit ang Eco-friendly paints na donasyon ng principal sponsor nito at malikhaing konsepto ng
mga volunteer artists mula sa Chanum Foundation upang bigyang sigla ang turismo at buhayin ang natatangi nitong ganda.

Ayon kay, Valred Olsim municipal tourism office, bago ang isinagawa ang repainting ay nagbigay din sila ng consent form at design form sa 250 homeowners ng StoBoSa at karamihan sa mga ito ay
sumangayon sa muling pag pintura sa kanilang tahanan. Noong 2016, ay sinimulang dayuhin ng mga turista ang StoBaSa, dahil sa disenyo nito na hango sa Favelas ng Brazil. Ang turismo sa lugar ay nagbigay oportunidad sa mga residente na magkaroon ng hanapbuhay. “Stobosa ay very close to
my heart since this project, That I can see can prosper livelihood too,” pahayag ni Marie Venus
Tan, chief operating operation ng DOT Tourism Promotions Board.

Ang proyektong ay pinagtibay matapos lagdaan nina La Trinidad Mayor Romeo Salda, Albert Gan Lee, ng Davies Paint Philippines; Jordan Mang-osan ng Channum Foundation at Ceril Elio, ng Barangay Balili, ang Memorandum of Agreement (MOA) sa isinagawang ceremonial painting sa Stobosa viewdeck noong Marso 15. Ayon kay Salda, hindi man sila pinaunlakan ng DPWH sa pagpapalawak sa viewdeck at parking area, asahan ng mga turista na madami pang proyektong nakalaan para sa pagpapaganda sa StoBoSa.

Vina Pallar- UB Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon