Strawberry Fest ng La Trinidad, 25th Founding Anniversary-Bodong Fest ng Kalinga kinansela

LA TRINIDAD, Benguet – Kinansela ng La Trinidad, kapitolyong bayan ng Benguet ang 2020 Strawberry Festival nito na nakatakda sana idaos ngayong Marso.
Ang taunang isangbuwan na pista ay kaalinsabay ng foundation anniversary ng bayan. Sa isang executive meeting noong Martes, ang pag-uusap nina Mayor Romeo Salda, Vice Mayor Roderick Awingan at mga konsehal ng posibleng pagpapaliban sa pista ay humantong sa pagkansela sa nasabing aktibidad.
Pormal na naresolba ang bagay sa pamamagitan ng isang “division-of-the-house” kung saan 8 ang pumabor sa kanselasyon laban sa apat lamang na nagnais ng pagpapaliban ng petsa ng aktibidad.
Tinukoy ng mga opisyal ang precautionary measures laban sa posibilidad ng pagpasok ng COVID-19 o 2019 Novel Corona Virus (nCoV-2019) bilang kanilang pangunahing konsiderasyon sa kanilang desisyon.
Nakapagtala ang probinsiya ng Benguet ng tatlong patients under investigation (PUIs) dahil sa pagkakaroon ng mga sintomas ng nCoV.
Samantala ay sinuspinde rin ng Tabuk City, kanisera ng probinsiya ng Kalinga ang naiiwang mga aktibidad ng kanilang 25th founding anniversary at “Bodong” (peace pact) Festival n asana ay nag-umpisa noong Martes dahil sab anta ng nCoV.
Ang suspensiyon ay mananatili hangga’t ang advisory ng DILG, DOH at DepEd kaugnay sa nCoV ay tinanggal na, nakasaad sa desisyon.
Nagdesisyon ang Tabuk City council na suspendihin ang mga aktibidad ng founding anniversary at “Bodong” sa isang resolusyon sa ginawang regular session noong Lunes.
Walang PUI o PUM ang hinahanap ng mga opisyal ng public health ng Kalinga.
 
AAD/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon