BAGONG PUTAHE – Ang Strawberry Siomai na tampok sa Strawberry Festival sa La Trinidad, Benguet.
Photo by Jeric Ivan Carbonell/ABN
LA TRINIDAD, Benguet
Isang bagong putahe ang umagaw ng atensyon sa La Trinidad Strawberry Festival, ito ay ang strawberry-infused siomai na likha ng isang dating overseas worker. Si Laarni Delos Santos, 36, ang may likha ng natatanging strawberry siomai, ayon sa kanya, matagal na silang
gumagawa ng homemade siomai, ngunit naisip nilang pagsamahin ito sa pangunahing produkto ng Benguet ngayong strawberry season.
“Noong una, nag-aalangan kami kung tatanggapin ito ng mga tao, pero dahil kakaiba ang lasa nitong may halong alat at asim, marami ang nakaka intriga at sinubukan,”pahayag ni Delos Santos.
Dahil sa kuryosidad ng mga mamimili, mabilis na nakilala ang produkto. “Bumabalik ang karamihan sa aming tindahan matapos
matikman ang strawberry siomai, lalo na kung ipapareha ito sa kanilang espesyal na strawberry chili sauce.” Isa sa mga kostumer na si
Ruby ang nagsabing “masarap at may kakaibang twist” ang siomai, habang si Cedric Alsiba naman ay pumuri sa pagiging natural ng lasa nito, na walang halong extenders o preservatives tulad ng sa ordinaryong siomai.
Ngunit, hindi naging madali ang tagumpay ni Delos Santos, noong 2014, nagtrabaho siya bilang domestic helper sa Hong Kong upang mapag-aral ang apat niyang anak, ngunit dahil sa pandemya noong 2020, napilitang siyang bumalik sa Pilipinas nang walang trabaho at kita. Sa kanyang pagbabalik, nag-aral siya ng baking sa TESDA at nagsimulang magtinda ng baked goods online, aniya, naging
inspirasyon niya ang kanyang mga anak upang magsumikap, lalo na’t nais niyang makatulong sa asawa sa gastusin.
Dito na niya sinimulang magtinda ng siomai kasama ang kanyang pamilya, hanggang sa naisipang gumawa ng strawberry siomai, gayunman, dahil seasonal ang strawberry, tanging tuwing Strawberry Festival lamang ito ibinebenta at sa pamamagitan ng special orders.
“Dito sa festival lang namin ito binebenta, kasi dito kami kumukuha ng fresh strawberries mula sa Longlong,” ani Delos Santos, “Hindi pa namin naisip na ibenta ito kahit wala nang festival.” Ngayon, tampok na sa Strawberry Lane ang strawberry siomai bilang isa sa mga
pinakapatok na produkto ng festival, umaasa si Delos Santos na magsilbing inspirasyon ang kanyang kwento sa ibang nais
magsimula ng sariling negosyo.
Jeric Ivan Carbonell/UB-Intern
May 3, 2025
May 3, 2025
May 3, 2025
May 3, 2025