“SUBIC BAY FREEPORT, MALAYANG PASUKAN NG DROGA AT IBA PANG SMUGGLED GOODS?”

Naghihimutok si Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Chairman at Administrator
Jonathan Tan nang sisihin ang pinamamahalaan nyang ahensya bilang “hotbed ng smuggling” sa bansa. Ano pa ang gustong patunay ni Tan na malaya ngang nakalapasok pati ang droga sa Subic kundi ang kakadiskubre lamang na P3.8 bilyong shabu noong Huwebes na Mexico, Pampanga na lumusot sa Subic Freeport? Ibinabato ni Tan sa Bureau of Customs (BOC) ang sisi upang linisin ang dungis ng kanyang ahensya.

Wala diumano sa hurisdiksyon ng SBMA ang lahat ng operasyong nagaganap sa Subic Free Port. Depensa ni Tan, dapat ngang magpasalamat pa sa SBMA dahil nakipagtulungan itong malambat ang P3.8B shabu mula Thailand. Ngunit bukod sa nalambat noong Huwebes na 530 paketeng shabu na naglalaman ng isang kilo bawat pakete, may naunang lumusot na 100 kilo (P650 milyong) sa Subic bago ang 500 pakete (P3.8B) na napunta sa Tagaytay. Tiyak, nasa kalsada na ngayon ang 100 kilong shabu.

Ilan pang shabu ang napalusot mula sa Subic Freeport? Ilan pang smuggled vegetables? Kung tapat si Tan sa kanyang tungkulin bilang tagapamahala ng SBMA, agad sanang magsagawa ng malalimang pagsisiyasat upang ugatin bakit ganoong kalayang nakakapasok ang droga, pati iba pang iligal na kargamento sa Subic Freeport. Kung ang rason naman ni Tan na BOC ang may hawak ng bola ukol sa smuggling, agad naman sana nitong irekomenda sa Department of Finance (DOF) na gumagabay sa BOC na imbestigahan at panagutin ang mga nakikipagsabwatan sa smugglers.

Pangalawa’y imungkahi sana ni Tan ang pagsisiyasat sa batas na gumagabay sa operasyon ng SBMA upang ugatin din bakit walan” itong hurisdiksyon sa lahat ng operasyon sa loob ng Subic
Freeport. Walang mararating na solusyon sa iligalidad gaya ng smuggling ng droga, produktong pang-agrikultura at iba pang iligal na bagay, kung nagsisisihan at nagtuturuan ang mga ahensya ng pamahalaan.

WORLD OF FUN

Amianan Balita Ngayon