“SUGALAN SA CAGAYAN AT ISABELA, SABWATAN NG OTORIDAD?”

Mamamayagpag ang sugalan dahil sa sabwatan ng operator at otoridad — kapulisan man at lokal na pamahalaan. Umaarangkada ang mga kabikabilang sugalang nanghuhumaling sa mga mananaya sa “games of chance” dahil sa sabwatang ito. Mismo sa Tuguegarao City, ang regional capital ng
Cagayan Valley region kung saan nakatalaga ang regional headquarters ng Police Regional Office 2, ay patuloy ang operasyon ng isang nagngangalang Jerry Melad sa barangay San Gabriel ng “dice
games” na mismo pang tabing highway.

Tikom ang bibig at nakatalukap ang tainga ng mga otoridad dahil diumano’y isang Melad, kapatid ni retired Police Major General James Melad na ngayo’y Assistant Secretary ng DOTr, ang operator.
Ito ba ang rason kung bakit hindi magalaw ni Cagayan Valley region police director Brig. Gen. Percival Rumbaoa, Cagayan province police director Col. Julio Gorospe at Tuguegarao City police director Lt. Col. Richard Gatan, ang pasugalan ni Jerry Melad?

Nanahimik na rin ba ang dating aktibo kontra iligalidad, ngunit ngayo’y Tuguegarao City mayor Maila Ting Que sa “social ill” na naturan? Bukod sa pasugalan ni Jerry Melad, may operasyon sina Elmo Balisi at Edmund Tamayao sa Balzain East na likod mismo ng George Bar kung saan ay umaga pa lamang ay bukas na ito para sa mga sugarol, bata man o matanda. Minana ni Elmo Balisi at Edmund Tamayao ang operasyon mula kay “Tony” na namayagpag noong panahon ni dating Mayor Jefferson Soriano, ang mahigpit na kalaban ni Mayor Ting-Que.

Sa kabilang probinsya ng Isabela na sakop pa rin ni BGen. Rumbaoa at kung saan din syang naging Santiago City Director, ay ang pasugalan (drop ball, cara y cruz, salisi) ni “Ace” sa tinatawag na “Helera” sa Divinan street. Sa tagal nang panahong nagpapasugal si “Ace” sa Santiago City, maituturing rin ba nating kasabwat sina Santiago City Mayor Alyssa Sheena Tan-Dy, Isabela police
director Col. Julio Go at Santiago city police director Col. Tirso Manoli sa operasyon? Hindi ba napapagawi si BGen. Percival Rumbaoa sa bayan nyang Cabatuan, Isabela na katabing bayan lamang ng Santiago City, kung kaya’t hindi nya ito naririnig at nasisilayan man lang?

JOINT PATROLS

TUPAD

Amianan Balita Ngayon