“SUGAT NG OPEN-PIT MINING, SARIWA PA SA ITOGON, BENGUET”

Maraming pangamba ang mga mamamayang apektado ng naka-ambang komersyal na pagmimina ng Itogon-Suyoc Resources Inc. (ISRI) sa Itogon, Benguet. Bumabagabag sa kanila ang mataas na posibilidad ng pagkawala o kung hindi man pagkalason ng mga pinanggagalingan ng maiinum na tubig. Pinangangambahan din nilang ang 25 taong komersyal na pagmimina ng ISRI sa 581 ekyarya na sakop ng ancestral domain ng baranga Ampucao, Virac at Poblacion, ay magkakait sa kanila ng kanilang tradisyunal na kabuhayang pagka-camote mining (small scale mining).

Nagdadalawang isip ang mga mamamayan ng sitio Dalicno, Simpa and Lolita ng barangay Ampucao, Itogon na sang-ayunan ang pagpasok ng ISRI sa kanilang komunidad dahil sa nakaumang na peligro sa kaligtasan at masamang epekto sa kapaligiran ng komersyal na pagmimina. Sa kabila ng mga pangambang idinudulog ng mga mamamayan, nakakabinging katahimikan ang isinusukli ng ISRI, dahilan ng hindi pinal na resolusyon kung mapapayagan ba ang Application for Production Sharing Agreement (APSA 103) nito.

Ang katahimikang isinusukli ba ng ISRI at nangangahulugang may posibilidad na mangyari ang mga pangamba ng mamamayan ng sitio Dalicno, Simpa and Lolita ng barangay Ampucao? Hindi maikakaila ng ISRI sampu ng mga tagapagtaguyod nito sa Itogon ang naidulot na kapahamakan ng pagmimina ng Benguet Corporation ng isang daang taon sa Itogon. Hanggang ngayon, hindi na-rehabilitate ang naging epekto ng open-pit mining.

Kahit hindi man open-pit ang pamamaraan ng ISRI sa aplikasyon nitong APSA 103, sariwang-sariwa pa ang malawak at malalim sugat ng komersyal na pagmimina ng mga dambuhalang korporasyon sa Itogon, Benguet, kanya’t nanatiling nagdadalawang isip sumang-ayon ang mga
mamamayan sa kabila ng mga pangakong kaunlaran at kagalingan ng minahan.

SHARED RESPONSIBILITY

COVID ANNIVERSARY

Amianan Balita Ngayon