LUNGSOD NG BAGUIO – Iniulat ng Baguio City Health Services Office (CHSO) ang pagtaas ng mga insidente ng pagpapakamatay sa lungsod noong 2021 at karamihan na nagpapatiwakal ay mga lalaki.
Sinabi ni City Health Services Officer Dr. Rowena Galpo na naitala ng kanilang mental health program ang kabuuang 37 suicide incidents sangkot ang 32 lalaki at 5 babae.
Sinabi ni Nurse I Ricky Ducas, mental health responder at coordinator ng programa na ang bilang sa 2021 ay kumakatawan sa isang 23 porsiyentong pagtaas mula sa 2020 nang nakapagtala ang lungsod ng kabuuang 30 mga kaso.
“The increase in our suicide cases are alarming and the upturn in male suicide mostly belonging to the young adult age group is staggering,” ani Ducas.
Sinabi ni Ducas na ang mga young adult ang mas mahina sa pagpapakamatay dahil ang kanilang paglaki at pag-unlad sa pag-ibig at pagtanggap ay nakaugat sa kanilang mga kasama at komunidad.
Binigyan-pansin din ng CHSO ang talamak na ulat ng sadyang pananakit sa sarili sa mga kabataan at ipinakita ng pagsusuri sa magulong kondisyon ng pamilya at sobrang kapaguran sa pandemya.
Ipinaliwanag ng mga eksperto sa kalusugan ng isip na ang mga ito ay ang parasuicidal type ng selfdirected violence kung saan ang intensiyon ng pasyente ay hindi talagang magpakamatay.
Sinabi ni Ducas na sa kabuuan, may pagtaas sa bilang ng common mental health concerns noong 2021 partikular ang depresyon, pagkabalisa at sikosis.
Sinabi niya na karamihan sa mga nakitaan ng nasabing mga problema sa isip sa ilalim ng mental health program ng CHSO ay kabilang sa mag batang grupo ng edad na sinundan ng kategorya ng nagtratrabahong edad.
May nakita ring pagtaas sa mga pasyente na humihingi ng propesyunal na tulong kumpara sa nakaraang taon dahil nais na ng mga tao na maging bukas ukol sa mga isyu ng kanilang kalusugang mental lalo na ang mga kabataan, ngunit ang hamon ay nananatiling minamaliit ng kanilang magulang at nakatatanda ang kanilang mga problema sa kalusugan ng isip.
“Minsan pumupunta ang bata na mag-isa to seek help at kapag tinanong asan ang guardian for consent, sinasabhan daw kasi ng mga parents or support system na gawa-gawa lang nila or napapanood lang nila or worst is nasabihan sila na ano dapat ikaka-depress eh binigay naman pangangailangan at nakakakain naman sila,” ani Ducas.
Sinabi niya na isa pang umuusbong na alalahanin ay ang katotohanan na ang mga taong nakararanas ng mg isyu sa mental health ay bumabaling sa alak at ito ay nagbabanta ng isa pang problema dagil maaaring humantong ito sa abuso ay iba pang isyu ng pag-iisip.
Bilang bahagi ng mga istratehiya sa maagang pagtuklas ng mental disorder sa mga tao, gumawa ang CHSO ng makahandang helpline na maaaring agad na makontak ng tao na dumaranas ng mental disorder na bukas mula 8 am hanggang 5 pm: 09190696361.
Lagpas sa mga nasabing oras, maaari pa ring makontak ang National Center for Mental Health 24/7 hotlines: 09178998727; 09663514518; 09086392672.
Kasama ng mental health program ng lungsod ang Baguio General Hospital and Medical Center Psychiatry Department, Baguio Emergency Medical Service, Baguio City Police Office, Office of the City Social Welfare and Development at ang Mental Health Council.
(APR-PIO/PMCJr.-ABN)
February 13, 2022
May 11, 2025
May 11, 2025
May 11, 2025