Sa ilang beses na nag drive-thru ako sa fast food chains sa lungsod ng Baguio, lagi kung napapansin ang mga batang naglalako ng mais.
Nakakabahala sapagkat maliban sa kinakaharap nilang banta ng Covid-19 at mga panganib sa lansangan, nakakaapekto sa kanilang paglaki at pagunlad ang maagang pangangalakal.
Ayon sa labor department sa Cordillera, mayroong 1,527 mga musmos na nagtatrabaho na sa mga manual at karamiha’y hard labor, sa probinsya ng Ifugao lamang.
Ang naturang tala ay mula noong 2019 hangang 2021 na nagmumula lamang sa 84 pamilyang Ifugao.
Datapwa’t naalalayan naman daw ang mga ito sa pamamagitan ng livelihood assistance ng DOLE upang lunasan ang ugat — ang kahirapan ng buhay— kung bakit sila napilitang mamasukan sa murang edad pa lamang.
Sa datos noong 2011 ng Philippine Statistic Association (PSA), 5.5 milyon batang edad 5-17 ang naitalang nagtrabaho o namasukan bilang manggagawa.
Sa pagtaya ng International Labour Organization (ILO) at United Nations Childrens Fund (UNICEF), ang krisis na idinulot ng lockdowns at pagbagal ng inog ng negosyo dahil sa COVID-19, ang nagbubunsod upang marami pang mga musmos ang magtrabaho o mamasukan na lamang.
Kahirapan pa rin ang sanhi ng dumaraming bilang ng mga batang napipilitang mamasukan. Ito ang nananatiling malaking hamon sa mga nais maihalal sa 2022— ang tuldukan ang kahirapan ng bansa sa pamamagitan ng mga pundamental na programang lunas sa pinag-uugatan ng suliraning ito.
November 27, 2021
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 13, 2025
April 13, 2025