SUNOG SA LOURDES EXTENSION

Walong bahay ang nilamon ng apoy noong Biyernes ng umaga sa may Lourdes Extension na diumano ay dahil sa “faulty wiring” ng mga dikit dikit na bahay sa nasabing lugar. Dahil sa gawa sa kahoy ang mga bahay ay agad itong natupok at abo na lang ang natira sa walong bahay. Walang naiulat na nasawi o nasaktan sa nasabing sunog. Haloss umabot din ng 4 na oras bago naapuhap ang apoy.
Kuha ni Eric Picaña Labo

Amianan Balita Ngayon