Suplay ng bigas, hindi apektado ng bukbok – NFA Pangasinan

LUNGSOD NG DAGUPAN – Siniguro ng National Food Authority (NFA) sa Western Pangasinan ang publiko na ang suplay ng bigas sa palengke ng probinsiya ay ligtas sa bukbok.
“Our rice supply was properly transported, and I can assure the public that it is not infested by ‘bukbok’,” ani NFA Western Pangasinan Assistant Manager Chona Maramba.
Ang mga warehouses ay masusing nilinis at inihanda bago pa man ang tag-ulan at mga baha, dagdag niya.
Sinabi ni Maramba na ang rice buffer stock ng opisina ay aabot hanggang Setyembre, kahit na mataas ang demand dahil sa kamakailang kalamidad sa probinsiya.
“We have 30,000 bags stored in our warehouses, and 40,000 more will be shipped from La Union,” aniya.
Idinagdag ni Maramba na ang NFA Regional Office ay handa para dagdagang muli ang kanilang suplay sa oras na maubos, subalit ang posibilidad na maubusan ng bigas ay medyo mababa.
Ang NFA-Western Pangasinan ay nagbibigay ng kalidad at murang bigas sa 23 munisipalidad at tatlong lungsod sa probinsiya. A.PASION, PNA / ABN

Amianan Balita Ngayon