SUPLAY NG TUBIG, TINITIYAK NGAYONG TAG-INIT

BAGUIO CITY

“Hindi natin proproblemahin ang suplay ng tubig ngayong summer season, dahil tinugunan ng Baguio Water District ang ating kahilingan na dagdagan o damihan ang pagsasagawa ng deepwell,” pahayag ni Mayor Benjamin Magalong. Ayon kay Magalong, patuloy ang programa ng BAWADI na bumuo ng 10 deep wells kada taon. “Noong nakaraang taon, nakagawa sila ng 12 deep wells at target nila ngayong taon na makagawa pa ng 10 deep wells. Aniya, patuloy rin ang mga pag-inspeksyon ng National Water Resources Board (NWRB) at Department of Environment and Natural Resources (DENR), kasama ang mga lokal na pamahalaan, sa mga iligal na deep wells.

Inaasahang may mga private deep wells na ipapasara, lalo na sa mga lugar na hindi ligtas at hindi sumusunod sa mga regulasyon, lalong-lalo na sa sanitation. “Mahigit sa 600 deep wells ang itinuturing na kolorum, majority sa mga deepwells na ito are actually unsafe, kumbaga unregulated, kaya ito ang mga tinututukan natin,kaya narereduce natin ang mga iligal na unregulated deep wells.” Ayon kay Magalong, very responsive naman ang BAWADI sa paghuhukay para sa deep wells at mayroon ding proyekto na naglalayong magtayo ng Rainwater Harvesting Facilities sa Buyog Watershed na nagkakahalaga ng P50 milyon.

Aniya tuloy-tuloy din ang pagpapabuti sa tatlong Rainwater Harvesting Facilities sa Busol Watershed, na siyang main source ng tubig sa
lungsod. “Patuloy pa rin ang ang ating pagbabantay sa Busol Watershed sa tulong ng ating kapulisan, upang maiwasan na mapasok pa ito ng mga illegal settlers. Mahalaga na mabantayan natin ito, dahil kung hindi ay napakalaking problema na mawalan tayo ng suplay ng tubig,” “Maganda naman we are not experiencing any drought, unlike noong 2023 hanggang 2024 ay eight months tayo na nakaranas ng
kakulangan ng suplay ng tubig, pero ngayon ay hindi na natin mararanasan ito,” pahayag pa ni Magalong.

Hubert Balageo/UB-Intern

Amianan Balita Ngayon