BAGUIO CITY
Muling nagsagawa ng surprise search and seizure operation ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency Cordillera Drug Clearing Team sa BJMP Buguias District Jail, noong Setyembre 12. Ang operation ay pinangunahan ni Assistant Regional Director for Admin. at Operations JSupt. Elizabeth Garceron at Buguias District Jail Warden JSInsp. Eduardo B. Badecao, sa tulong ng PDEACordillera.
Bukod sa sorpresang inspeksyon ng PDEA K9 unit, nagsagawa din ng drug test ang Chemist sa mga tauhan at mga taong pinagkaitan ng kalayaan. Ang mga aktibidad ay nagbunga ng mga negatibong
resulta para sa droga. Sa kasalukuyan, lahat ng mga pasilidad na pinamamahalaan ng BJMP Cordillera ay siniyasat ng PDEA partikular, Baguio City Male and Female Dorms, BJMP La Trinidad District and Municipal Jails, Mt. Province District Jail, Ifugao Tiger Hill at Alfonso Lista District Jails, Tabuk City District Jail, Luna District Jail sa Apayao, Bucay District Jail sa Abra, at Buguias District Jail.
Pinuri ni PDEA Regional Director Julius M. Paderes ang BJMP-Cordillera sa pagpapahusay ng mga
hakbang laban sa ilegal na droga sa loob ng mga pasilidad ng kulungan. Gayunman, paiigtingin at
tuloy-tuloy aniya ang drug clearing sa mga jail facility sa rehiyon kasunod ng guidelines na itinakda sa Dangerous Drugs Board Regulation No. 2 series of 2020.
TFP/ABN
September 16, 2023
September 22, 2023
September 22, 2023
September 22, 2023
September 22, 2023
September 22, 2023
September 22, 2023