CAMP DANGWA, Benguet — Makalipas ang limang buwan, nadakip na ang pangunahing suspek na nagmasaker sa tatlong Agawa tribesmen ng Besao, Mt.Province, mula sa pinagtataguan nito sa bayan ng Tubo,Abra.
Nabatid kay Police BGeneral Israel Dickson,regional director ng Police Regional Office-Cordillera, ang suspek na si Marlon Bacalli Batuli, tubong Sitio Baclingayan, Tabacda, Tubo, Abra, ay nadakip dakong alas 6:00 ng gabi ng Oktubre 17 sa Barangay Kili, Tubo, Abra sa bisa ng Warrants of Arrest for Multiple Murder, na inisyu ni Judge Elizabeth G Bringas, Branch 58, Bucay, Abra.
Ayon kay Dickson, si Batuli ay isinailalim sa No.1. Top Most Wanted Person- Regional level for the 4th quarter of 2019, kaugnay sa pag-amin nito sa krimen at pagtatago matapos patayin ang mga biktimang sina Jansen “Ayban” Gabaen, Ronnie Macayba, at Pedro Sauyen, pawang taga Agawa, Besao, Mountain Province.
Matatandaan, ang tatlong biktima ay nagtungo sa ilog para mangisda malapit sa village ng Baclingayan, Tubo, Abra, pero makalips ang isang linggo ay hindi na ito nakabalik sa kanilang lugar.
Agad nagsagawa ng search ang Agawa tribes at huningi ng tulong sa mga barangay opisyal sa karatig-barangay ng Kili,Tubo, Abra. Nakita ang mga bangkay ng biktima sa gilid ng ilog noong Mayo 27,2019, na pawang may mga tama ng baril at saksak ng patalim sa mga katawan.
Zaldy Comanda/ABN
October 28, 2019
May 10, 2025
May 10, 2025
May 10, 2025