BAGUIO CITY
Patuloy ang paghihirap ng mga commuter sa lungsod matapos ang biglaang suspensyon ng Solid North Transport Inc., na naging dahilan ng kakulangan ng biyahe papuntang La Union, Pangasinan, at iba pang mga lalawigan sa ibaba. Nag-ugat ang suspensyon sa isang multi-vehicle collision sa SCTEX na kinasangkutan ng bus ng kumpanya. Ayon sa Solid North, pansamantala nilang itinigil ang operasyon bilang pagsunod sa utos ng Department of Transportation (DOTr) habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
Dahil dito, napipilitan ngayon ang mga commuter na pumila ng maaga sa Go. Pack Terminal at iba pang terminals, na kung saan mabilis napupuno ang ang mga bus ng Partas, Victory Liner, at iba pa. May ilan ding sumasasakay na sa UV Express vans kahit pa mas mahal ang pamasahe kumpara sa regular na bus fare. “Parang ngayon ko lang din nakita na may pila na pa Dau Terminal, kaya napipilitan na ako na mag van ngayon kasi kailangan ko nang makauwi,” ani ng isang estudyante na pauwi ng Pampanga.
Kabilang sa mga apektado ay ang mga estudyante mula sa rehiyon, partikular na ngayong finals week, Marami ang nangangambang hindi makapasok dahil sa kakulangan ng sasakyan. Sa ngayon nananawagan ang ilang mga pasahero at mga grupo ng commuter sa lokal na
pamahalaan at LTFRB na maglabas ng alternatibong solusyon upang mapagaan ang sitwasyon. Ilan sa mga suhestiyon ay ang
pansamantalang pagdagdag ng units mula sa ibang bus companies habang suspendido ang operasyon ng Solid North. Wala pang tiyak na petsa kung kailan babalik ang operasyon ng Solid North. Sa ngayon, nananatiling mahaba ang pila, maulan ang klima, at mahabang pasensya ang hinihingi mula sa mga pasahero ng Baguio.
Noel Celeste/UC-Intern
June 14, 2025
June 14, 2025
June 14, 2025
June 14, 2025
June 14, 2025
June 14, 2025