Baguio City, Abril 19, 2025
Habang abala ang ibang kandidato sa pagkakabit ng tarps at pagpo-post ng throwback pictures, iba ang diskarte ni congressional bet Gladys Vergara—pinupuntahan nya ang bawat purok, humaharap at personal na nakikitungo na may bukas-palad. Nitong nakaraang linggo, inimbitahan sya sa Barangay Fairview at Pinsao Proper, kung saan humarap siya sa mga residente ng Purok 4 ng Lower Fairview at Purok 2, 3, at 5 ng Pinsao Proper. Walang “bonggang” entablado at walang teleprompter. Simpleng pagtitipon lang, mga Monoblock at improvised na upuan, at isang kandidatong gustong makinig—hindi lang gamit ang tenga, kundi pati puso.
Sa bawat pag-uusap at kwentuhan, ibinahagi niya ang kanyang 10-point agenda gaya ng Universal Health Care. Mas pinalawak na social pension, Livelihood hubs sa bawat barangay at iba pa. Hindi lang ito mga pangako kundi ito ay kungkretong mga plano. At ang reaksyon ng madla? Mainit, taimtim at taus pusong nakikinig at nakatutok. Sa Pinsao Proper, hindi lang nakinig si Punong Barangay Raymund Laxamana—nakisali pa siya sa sayaw ng siwsiwit kasama ang komunidad, naki awit habang naghihintay kay Gladys Vergara. At higit pa roon, nagpahayag siya ng suporta, pinuri ang pagiging hands-on ni Vergara at ang kanyang paninindigan para sa tinawag niyang “Inclusive Progress.” Walang pa-showbiz. Focus lang. Pero ang pinakamatinding pahiwatig ng suporta, hindi galing sa salita.
Galing ito sa isang sandali. Bago mag semana santa naganap ang isang mahalagang pangyayari kung saan itinaas ni PB Raymund Laxamana ang kamay ni Gladys Vergara—tanda ng suporta sa kanyang kandidatura bilang kongresista. Matatandaan na ilang buwan bago magsimula ang kampanya, Itinaas din ni Laxamana ang kamay ng ibang mga Kandidato dahil na rin sa kanilang kahilingan. Sa mundo ng pulitika, ang pag taas ng kamay ay simbolo ng endorsement. Pero sa pagkakataong ito, may mas malalim na ibig sabihin: pagbabago ng desisyon, pagpapakita ng bagong paninindigan, at pag-kalas sa dating alyansa. Agad namang kumilos ang kampo ni Sol Go. Ipinakalat nila ang isang lumang larawan na kuha pa noong buwan ng Disyembre ng nakaraang taon, para palabasin na sila ang sinusuportahan ng naturang kapitang.
Pero may time stamp ang mga litrato. May konteksto ang bawat post. Sa paningin ng mga tao ang hakbang na ito ay nag lalayong mang-intriga at mag hasik ng kalituhan at alam ng mga botante ang pagkakaiba ng Christmas greeting sa pag indorso nito bago ang semana santa. Sa kabila nito, Si Kapitan Raymund? Matibay pa rin ang paninindigan. hindi siya umatras. Wala ring paliguy-ligoy, ang kanyang pahayag ay Klaro. At sa larong pulitika kung saan na ang “timing” ay lubhang mahalaga, hindi kailan man mananaig ang pag post ng lumang larawan kumpara sa “recent” na kaganapan kung saan ay mainit nyang itinaas ang kamay ni Gladys Vergara. Sa larawang nilabas ng kabilang kampo, sa unang tingin, parang karaniwang eksena lang sa lokal na eleksyon—intriga, recycled na larawan, barangay sa barangay na bangayan.
Pero sa ilalim ng lahat ng ito, may mas mahalagang tanong: sino ba talaga ang nag tratrabaho? Ang kampo ni Sol Go, abala sa optics. Si Vergara naman, tahimik pero matibay ang binubuo na tiwala ng mga tao. Sa huli, hindi na kailangan sabihin sa botante kung sino ang sinusuportahan ni Laxamana; apat na buwan na ang nakalipas ng nakunan ang larawan na inilabas ng kampo ng maka-baguio. Hindi na yun ang mahalaga, ang importante: sino ang sinusuportahan ng naturang kapitan. Dahil sa lungsod na puno ng shifting loyalties at long memories, puwedeng i-crop ang nakaraan, puwedeng i-frame ang lumang larawan—pero ang kasalukuyan pa rin ang tunay na magpapasya. Ngayon, ang pinakamahalaga ay kung kaninong kamay ang itinaas nitong nakaraang mga araw at yun ay kay Gladys Vergara.
April 19, 2025
April 19, 2025
April 17, 2025
April 17, 2025