Tactile pavement ipinagtanggol

Metro BLISTT

LUNGSOD NG BAGUIO – Ipinagtanggol ng Baguio Federation of Organizations of Visually- Impaired Persons (BFOVIP) ang tactile pavement o ang kinakapang daanan sa mga sidewalk na may malaking tulong sa kanilang sektor.

“We are not in favor of removing them. If they are slippery, people especially those with eyesight should adjust. They have to learn how to use it because they can see where they are walking on,” ani Ever Basatan president ng federation.

Matapos ang walanghumpay na mga pag-ulan ay may mga reklamo sa madulas na yellow lines na nakalatag na nag-udyok sa panawagan para sa pagsasa-ayos at maging pagtanggal sa pavement.

Subalit sinabi ni Basatan na ang tactile o kapaan ay nabebenipisyuhan sila at dapat din itong isaalang-alang. “Nakakatulong ito sa amin. Hindi man 100 percent pero malaki ang naitutulong,” aniya.

Sinabi ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO) na wala oa namang naiulat na mga aksidente sangkot ang tactile pavement ang natatanggap mula sa sinumang PWD.

Sinabi ni Mayor Benjamin Magalong na kailangan lamang na maturuan ang tao sa gamit at kaukulan ng tactile technology.

“These are guides for our PWDs and they are not really for stepping on. I guess people are just not that aware of their proper use and purpose but once they are, they will be able to adjust,” aniya.

Sinabi ni City Administrator Bonifacio Dela Peña na ang pamahalaang lungsod at ang Dept. of Public Works and Highways (DPWH) ay may isang mabuting layunin sa paglalagay ng tactile technology sa sidewalk rehabilitation project ng lungsod at ito ay upang itaas ang antas ng lungsod sa pagbibigay ng accessibility, protelsiyon at seguridad sa mga PWD.

“What we are installing are international standard materials. I hope we can all be knowledgeable of this globally accepted technology,” aniya.

Ang mga tactile pavement ay sinasabing nagtataglay ng mga pattern upang sabihin ang iba’tibang kahulugan at babala.

“Distinctive surface patterns detectable by a long cane or underfoot that are used to alert the vision-impaired of approaching streets and hazardous surface or grade changes.”

Itinataguyod ito ng World Blind Union bilang bahagi ng Universal Design movement at ginagamit na ngayon sa buong mundo.

“Slippery they may be for the non-blind but to the visually impaired, they are lifelines,” sabi ng opisyal.

Ang walang kapansanan na mga tao ay kailangan lamang na malaman na iwasan nilang tumapak sa mga “madulas” na linyang ito, manatili sa mga tabi na sumusunod sa “Keep Right” rule.

Sinabi ng mga opisyal ng lungsod na bilang PWD-friendly city, ang Lungsod ng Baguio ay may obligasyon na garantiyahan ang kapakanan at kaginhawaan ng mga PWD sa bisa ng Batas Pambansa 344 o An Act to Enhance the Mobility of Disabled Persons by Requiring Certain Buildings, Institutions, Establishments and Public Utilities to Install Facilities and other Devices.

(APR-PIO/PMCJr.-ABN)