Habang umiinit ang laban para sa halalan sa 2025 sa Lungsod ng Baguio, nakatutok ang atensyon ng marami sa mga nangungunang kandidato—lalo na kay Gladys Vergara, na kilala sa kanyang adbokasiya para sa land rights advocacy and clean governance. Ngunit sa likod ng ingay at kampanya sa lungsod, may isang “Figure” tahimik ngunit matatag na sumusunod sa mga survey pumapangalawa kay vergara: isang Pastor, isang Inhinyero, at higit sa lahat, isang tunay na lingkod-bayan—si Isabelo “Poppo” Cosalan. Pastor Muna, Pangalawa ang Pulitika Bago pa man siya naging Konsehal ng lungsod ng Baguio, siya na si Pastor Poppo—at hanggang ngayon, nananatiling pastor.
Sa loob ng maraming taon, siya’y naging isa sa espirituwal na leader sa Good News Community Church sa Baguio City kung saan siya ay nag sisimba, hindi lamang ipinapangaral ang pananampalataya—ito’y isinasabuhay sa pamamagitan ng pagtulong sa komunidad, paggabay sa kabataan, at pagtuturo ng Salita ng Diyos na nakaugat sa malasakit at pananagutan. Matagal nang tinawag si Cosalan sa paglilingkod bilang pastor bago pa man siya pumasok sa pulitika. Kilala siya sa kanyang simbahan bilang hindi lamang tagapagturo ng Salita, kundi bilang tagapayo, kaibigan, at tagapagtanggol ng mga naaapi. Sermon sa Pulpito Hanggang Sesyon ng Konseho: Hindi pinahina ng pulitika ang kanyang ministeryo—bagkus, lalo itong pinatatag.
Bilang konsehal, bumuo siya ng mga ordinansang sumasalamin sa pangunahing halaga ng kanyang pananampalataya: integridad, pananagutan, at paglilingkod sa mga pinakamahihina sa lipunan. Isa sa kanyang mga pinakamahalagang ambag ay ang ordinansa na nagdedeklara sa Baguio bilang isang “Character City,” na nagtutulak ng pagpapalalim ng mga pagpapahalaga sa gobyerno at lipunan. Bilang isang lisensyadong engineer at nagtapos sa Saint Louis University, dala rin ni Cosalan ang teknikal na kakayahan at praktikal na pananaw sa pagharap sa mga suliraning pang-imprastruktura, pangkalikasan, at pagpaplano ng lungsod.
Tahimik Pero Matibay na Tinig para sa Indigenous Rights Bilang isang Ibaloi, walang sawang lumalaban si Cosalan para sa karapatan sa lupa, representasyon ng mga katutubo, at pangangalaga ng mga banal na pook mula sa walang pakundangang urbanisasyon. Mapanatag ngunit matibay ang kanyang tinig—nakaugat sa batas, tradisyon, at sa tunay na buhay ng mga katutubong matagal nang hindi napapansin ng ilang pulitiko. Ang pagtatatag niya ng City Enterprise Development and Management Office (CEDMO) ay sumasalamin sa kanyang pangarap para sa isang Baguio na masinop, may kakayahang umunlad nang mag-isa, at hindi ibinebenta ang kinabukasan kapalit ng pansamantalang kita.
Nasa Likod, Pero Hindi Naiiwan Bagamat kasalukuyang nangunguna si Gladys Vergara sa mga lokal na survey, hindi ingay o palabas ang bumabalot sa kampanya ni Cosalan. Ang kampanya niya ay hinuhubog ng prinsipyo, maayos na rekord sa konseho, at pananampalatayang kalmado ngunit buo ang loob. Sa panahong naghahanap ang lungsod ng mga lider na tunay na may paninindigan, si Pastor–Oublic Servant Eng. Poppo Cosalan ay isang natatanging uri ng kandidato—ang nagsasalita ng katotohanan sa pulpito at sa sesyon, ang nananalangin para sa lungsod habang gumagawa ng batas para rito.
By: Andy Ignacio
May 3, 2025
April 30, 2025
April 30, 2025
April 30, 2025
April 30, 2025
April 30, 2025
April 26, 2025