LA TRINIDAD, Benguet – Tatlo ang namatay, samantalang isa ang grabeng sugatan, matapos mahulog sa bangin ang kanilang sinasakyang Tamaraw FX sa Kabayan, Benget, noong Miyerkoles,ayon sa Benguet Provincial Police Office.
Sa ulat Kabayan Municipal Police Station, naganap ang aksidente dakong alas 11:00 ng tanghali sa may Bokod- Kabayan national road sa kahabaan ng Sitio Bogao, Barangay Adaoay,Kabayan,Benguet nang mahulog sa may 400 metrong lalim ng bangin ang Tamaraw FX na may plakang TSY-476, na payungong Nueva Vizcaya.
Nagtulong-tulong ang mga tauhan ng Kabayan MPS, BPMFC augment, BFP Kabayan; Bokod, Bokod MPS at MDRRMC Kabayan -Bokod sa pag-ahon ng mga namatay on the spot na kinilalang sina Dennis Ingosan Begya, drayber; Samuel Ingosan Begya at Leonardo Pay-oen Oyad, nakuhang buhay naman si Franklin Aroyaw Pai-oen na mabilis na isinugod sa Dennis Molintas Memorial Hospital sa Buguias,Benguet.
Kaugnay nito, labis na pinag-iingat ang mga motorista at siguraduhing nasa kondisyon ang sasakyan sa pagbibiyahe sa mga bulubunduking higway sa rehiyon ng Cordillera.
Zaldy Comanda/ABN
October 29, 2019
October 31, 2019
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025