BAGUIO CITY
Tatlong katao ang nasawi, samantalang isa ang sugatan, matapos araruhin ng trak ang ilang sasakyan sa may Bokawkan Road, Baguio City, madaling araw ng Mayo 29. Kinilala ang mga nasawi na sina Reneboy Patricio Solano, residente ng Tabing Ilog, Marilao, Bulacan; Loui Nino Morada at Larry Vasquez. Sa inisyal na imbestigasyon, nakita ng mga tao sa lugar na habang pababa ng Bokawkan Road ang trak na may kargang mga kagamitan sa sasakyan ay napansin nilang umuusok ang mga gulong nito na posibleng senyales na nawalan ito ng preno.
Paekis-ekis ito bumulusok sa pababang kalsada at nabangga ang papakyat na Tamaraw FX sa kabilang kalsada at dahil sa lakas ng impact ay dumiretso ito sa isang establisyimento, habang patuloy sa pagtakbo ang trak hanggang sa tumama sa ilang traffic signs at isang
nakaparadang sasakyan. Sinabi ng pulisya na tinitingnan nila ang human error bilang posibleng dahilan ng aksidente kahit na patuloy ang
isinasagawang imbestigasyon sa pangunguna ng Traffic Enforcement Unit. Kasalukuyang nagpapagaling sa ospital ang sugatang driver, habang dinala ang mga namatay sa Baguio Memorial Chapel at patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya.
June 21, 2025
June 21, 2025
June 21, 2025