Taxi binangga ng taxi

Nagpunta sa tanggapan ng police ang isang taxi driver upang ipa-blotter ang pagka-hit and run ng kanyang sasakyan sa Upper Abanao Road dakong 7:20pm noong April 2, 2018.
Ayon sa nagreport na si Rolando Catubay Mendoza, 54 anyos, nakatira sa Bengao Extension Old Santo Tomas, Bakakeng Central, Baguio City, ang kanyang minamanehong taxi na Isuzu Crosswind may plakang AYT-280 ay nakahinto dahil sa traffic at nakahandang magbaba na rin ng pasahero sa harapan ng fire station nang ito ay nabangga ng isang di kilalang taxi ngunit nakuha ang plaka na AYU-443 na may trade name na “Lucky Luv” at minamaneho ng isang lalaki.
Ayon din sa nakasaksi na pasahero ni Mendoza, umatras umano ang taxi na sanhi ng pagkabangga sa kanyang sinasakyan at di umano’y umandar din paharap at umalis. Sinubukan pa nilang habulin ngunit mabilis ang pagtakbo ng sasakyan.
Ang naturang insidente ay naireport na rin sa ibang istasyon ng police upang maalarma ang sasakyan at ang driver. MICHAEL R. MARTINEZ, UB Intern

Amianan Balita Ngayon