TENSYON SA WPS… ANO KAYA ANG ENDING?

Hindi na tumigil ang tensiyon sa West Phil. Sea. Lalo pang lumala. Kamakailan, hindi lang hinarang o binuntutan o
sinabayan ng mga barko (Coast Guard) ng Tsina ang barkong ng Pilipinas na magdadala ng ayuda kundi BINANGGA PA! Talagang malala na ang tensiyon. Dati kinakanyon lang sila ng tubig. Pero pisikal na ang ginawang pagbangga.
Ang masakit, parang tayo pa ang sinisisi ng China na bumangga. Maryusep! Hindi naman bulag ang ating mga kababayang biktima.

Mismong Coast Guard natin ang nagsabing nabasag ang salamin sa unahan ng ating barko at nasugatan ang apat na sakay nito. Sasabihin pa nilang tayo ang may kasalanan? Sinong hindi magngingitngit? Buti nga hindi gumanti ang ating barko sa pangyayari. Nang maganap ang insidente, ay nasa ibayong dagat si Pangulong Marcos para sa isang summit. Muling inulit ng Pangulo ang kanyang banta na walang kahit katiting na teritoryo ng ating bansa ang makukuha ng mga dayuhan. Ito nga ang masaklap…ayaw talagang paawat ang Tsina sa sinasabi nilang teritoryo nila ang sinasaklaw.

Ewan ko kung papano maipapaliwanag sa mga opisyal ng Tsina ang isyung ito ng teritoryo. Ayaw naman nilang tanggapin ang ating posisyon. Ang masakit, wala daw direktang linya para makontak ni Pangulong Marcos ang
presidente ng Tsina. Kaya nga’t may pahapyaw nga na kumo nasa bansa natin daw ang ating Embahador sa Tsina sa isang misyon….plano ng mga opisyal natin na huwag na siyang pabalikin pa sa China. Di pa malinaw kung ano na ang napagkasunduan. Sa panig naman ng ating sandatahang lakas na nakabantay sa isyung ito…hindi sila magpapabaya.

Ayon sa China..hindi raw tumutupad ang Pilipinas sa KASUNDUAN. Ano kayang kasunduan ito? Atin ang inaangkin
ng China. Teritoryo natin ito na pinakikialaman. Hindi naman tayo nakipagkasundo sa kanila na ibinibigay na natin ang ating teritoryo. Maliwanag ang laman ng UN Arbitral ruling na sakup natin ang naturang teritoryo sa WPS. Di ba maliwanag din sana na ang sumunod ay ang Tsina? Ayon sa mga analysts….meron talagang malalim na dahilan kung
bakit ganito na lamang ang pagpupursigi ng China na maangikin ang teritoryong ito na ating sakup.

Sabi nga ng mga nakamasid na mga bansa na dapat lang na ipaglaban ng Pilipinas ang Ang masaklap, sinasabi naman ng Tsinan na tayo raw ay napapadiktahan ng kasinungalingan ng ibang nagpapayong bansa. Sa pananaw na praktikal ng tumututok sa isyu na…iisa ang pakay daw ng Tsina…ang manakop. Sakaling magmamatigas talaga ang ating bansa laban sa ginagawa ng Tsina…ano kaya ang mangyayari? Ayon sa mga matatandang saksi sa mga nagdaang mga GIYERA SA MUNDO…nagsimula diumano ang mga tensiyong yan sa maliliit na di pagkakaunawaan at nang lumaki, nauwi na sa tagisan ng armas na nagbuwis ng maraming buhay.

Ayon sa kanila, matagal nang astanegosyante diumano ang mga hapones sa ating bansa noon pero nang pumutok ang giyera..mga matataas pala silang mga opisyal ng Japan. Kaya ito ang pangamba ng marami na di kaya magaganap muli ang ganitong eksena sa hinaharap? Mahirap maghinala nang patapos, ika nila…pero mas mahirap ang magsasawalang-kibo na hindi maghihinala. May mga eksena na ang mga nagpapanggap na maamong tupa ay masahol pa leon nang manakmal sa dulo ng pananahimik. Walang Pinoy ang gustong maulit ang kasaysayan ng pang-aapi ng mga dayuhan sa atin. Bago tayo masupil ng mga mapagsamantala…dapat tayo’y handa na. adios mi amor, ciao, mabalos.kanyang karapatan sa teritoryo.

Amianan Balita Ngayon