Sa halip na humupa ang tensiyon sa West Phil. Sea (WPS)….lalo yatang tumitindi. Ito ang pananaw ng mga analysts. May bagong eksena? Matindi pards. Buti na lamang may mga taga-media na
naglakas-loob na sumama sa mga sasakyan ng Phil. Coast Guards (PCG) upang masaksihan at maidokumento ang mga tunay na nangyayari doon.
Ang pinakabagong eksena ay ang paglalagay ng China ng boya na nagsilbing bakod sa may Scarborough Shoal. Ito ang ating bibigyang-pansin, mga pards: Eksena uno: isang maliit na de-katig na bangka ang tumangkang papasok sa direksiyon ng mga boya na ibinakud ng China sa shoal
upang makapangisda. Ayon sa mangingisda, mayaman daw sa isda ang lugal na ito.
Nang malapit na ito sa mga boya, biglang itong hinabol at hinarangan ng isang coast guard vessel ng China. Muntik pa itong mabangga kung hindi nakaiwas. Nagpaikot-ikot din ang bangka ng Pinoy at hindi nagpasindak. Parang naglaro ng patintero ang dalawa hanggang sa nagsawa rin ang China Coast Guard. Nagpapakita ito ng katapangan ng ating mga kababayan.
Hindi sila nagpapatinag kahit higante pa ang kalaban. In short, hindi tayo dapat masindak o
matakot. Dahil sa mga ginagawa ng Tsina sa ating teritoryo, nagkakaroon na tayo ng ngipin. Ang nakakatakot dito ay kung hahantong na talaga sa tunay na sagupaan ng armas. Huwag naman sana.
Eksena dos: isang matapang na taga-Phil. Coast Guard ang sumisid at pinuntirya ang lubid ng boya
at pinigtas ito at iniahon pa ang isang angkla na humahawak sa mga boya.
Dito natin natitimbang kung gaano katuso ang ating kababayan kahit alam nilang ang ginawa ay delikado at maaring magbunga ng mas grabeng eksena. Walang pinag-iba isa magkakapitbahay na nagaaway dahil sa boundary ng lupa. Para kang nagtanggal ng mohon sa nangyari. Habang
sinusulat ang espasyong ito, wala pang reaksiyon ang China sa pangyayari. Tiyak na may mga susunod pang pagkilos at yan ang ating aabangan.
Maaring maglalagay ulit ang Tsina ng panibagong boya at angkla sa lugal. Maari ding sisirin ulit ng PCG at alisin. Sana ganun lang at walang gamitan ng armas-militar. Ang matindi…nagpapakiramdaman lang ang coast guard ng Tsina at Pilipinas. Eksena tres: Dumami naman ang mga senador na kumampi kay Sen. Risa Hontiveros sa pagkondena sa ginawang pagbabakud ng
China. Batid nila na naghahamon na talaga ang China sa kanilang ginagawa.
Ang iniingatan na lamang ng ating mga mambabatas ay ang pagkapigtas ng ating pagtitimpi at pagpapasensiya. Sabi nga ni Sen. “Bato” dela Rosa, ipapatawag nila ang Chinese Ambassador to the Phil. at isalang sa imbestigasyon ng Senado. Wala pang reaksiyon ang China sa planong ito. Ang
nakikita natin dito ay madugong sagutan ito. Tiyak na hindi aamin ang China na may paglabag sila sa kanilang ginagawa. Wala pa namang konkretong plano ang Malakanyang sa usaping ito.
Tanong ng marami: bakit kaya tahimik lang ang palasyo? Ano kaya ang reaksiyon ni Pres. Bongbong sa mga bagong pangyayari? Batid natin na nang magkaharap sina Pres. Bongbong at Pangulo ng Tsina kamakailan….maganda naman ang kanilang usapan. Pero baliktad naman ang nangyayari sa WPS. Hindi kaya alam ng China ang ginagawa ng kanilang mga tao sa teritoryong yan?
Sabi nga ng mga analysts: talagang gustong kunin ng Tsina ang teritoryong yan upang lumawak
pa ang kanilang sakup na paglalagyan ng kanilang puwersa at mabantayan ang sinasabing lugal na mayaman sa langis at yamang-dagat. Dalangin ng marami: sana matapos ang gusot sa WPS.
Harinawa. Amen. Adios mi amor, ciao, mabalos.
September 30, 2023
September 30, 2023
October 5, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024
September 29, 2024