TESDA GRADS, NAGPASALAMAT KINA SEN. ALAN AT PIA SA SUPORTA

Nagpasalamat ang mga nagtapos ng Technical Education and Skills Development Authority’s (TESDA) Bread and Pastry Production NCII mula sa Lungsod ng Caloocan kina Senador Alan Peter Cayetano at Pia Cayetano para sa suportang kanilang natanggap. “Nabigyan po kami ng new learnings para makapagtrabaho sa labas ng comfort
zone namin,” sabi ni Rogie Ganituen, isa sa mga 50 magaaral na nagtapos noong February 13, 2024 sa Integrated
Innovation and Hospitality (IIH) Colleges Inc. “Sa pag-aaral ko po, naapply ko po ‘y’ung BPP [Bread and Pastry Production]… Thank you so much for giving us out this opportunity, na nabigyan kami ng scholarships sa course na ‘to,” dagdag pa niya.

Isinagawa ng TESDA ang Special Training for Employment Program (STEP) sa pakikipagtulungan ng magkapatid na
Cayetano. Ang STEP ay programang pangkomunidad na naglalayong paigtingin ang kakayahan at produktibidad ng
mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga pagsasanay na nakatuon sa entrepreneurial, selfemployment, at service- ori ented activities. Ang mga iskolar ng STEP ay dadaan sa apat na yugto ng pagsasanay: Qualification, Competency
Standards, Training Standards, and National Assessment and Certification. Nakakatanggap sila ng toolkit tulad ng
oven at mixer, pati na rin ng training allowance, na maaari nilang magamit upang makapagsimula ng kabuhayan.

Sinabi ni Maila Altar, isa pang iskolar, na napapanahon ang kursong ito dahil tumaas ang presyo ng mga pagkaing
gawa sa harina. “Mahal na po kasi ang presyo ng mga bilihin, lalo na sa mga cakes and breads, mas makakamura kami kasi nakapagaral kami. Malaking tulong po sa akin ‘y’ung Bread and Pastry,” aniya. “Ang tulong na ibinigay sa
amin ng mga Cayetano… y’ung tool kit po at oven with mixer,” dagdag pa niya. Naging matagumpay ang training at pagtatapos dahil sa suporta at pagsisikap ng Assessment Center Manager sa IIH Colleges na si Rosel Dela Cruz, Officer in Charge ng IIH College na si Arjade Bocay, at TESDA Trainer at Assessor na si Les Navarro.

Nakatanggap ng Cayetano in Action aprons ang mga magaaral bilang regalo mula sa magkapatid na senador pagkatapos nilang matanggap ang sertipiko. Bilang mga tagapagtaguyod ng teknikal na edukasyon, patuloy na
sinusuportahan ng magkapatid na Cayetano ang mga mag-aaral ng TESDA sa iba’t ibang lungsod. Kamakailan lang ay nagbigay sila ng allowances at tool kits sa mga mag-aaral sa Malabon. Nauna nang kinilala ni Senador Alan ang kahalagahan ng TESDA certification sa pagpapalawak ng teknikal na edukasyon, na nagdudulot ng mas progresibong bansa.

Amianan Balita Ngayon