Photo Courtesy by Richard Valbuena (Baguio Old Timers)/Benuch (https://www.flickr.com/photos/ mikoshka_benuch/
Maraming taon na ang lumipas ng huling masilayan na may nakatayong establisyamento sa bakanteng lupa sa parte ng Lower Session Road. Ito’y napag-alaman na pagmamay-ari ni Lance Gokongwei na isang chief executive officer ng JG Summit na pagmamay-ari ni John Gokongwei Jr. Ang JG Summit ay isang malaking kumpanya na nagkakainteres sa iba’t ibang industriya kasama na ang iba’t ibang ari-arian. Kamakailan lamang naging usap usapan muli sa social media ang lugar na ito, kung saan ay nagbahagi ng iba’t ibang kwento o karanasan ang mga matagal ng naninirahan sa lungsod ng Baguio. May mga nagbahagi na ito ay dating pinagtayuan ng dalawang establisyimento na Star Cafe at Bombay Bazaar. Kilala din ang lugar na ito noong unang taon ng 2000 na bilihan ng mga dvd, posters, song hits, anime action figures at kung ano ano pa. Ikaw, anong kwentong bazaar mo?
Lorie Bernadette Laririt/UC-Intern