Tokhang reloaded, saan kaya patungo?

Feb 5, 2018

Kamakailan nagsimula ulit ang Oplan Tokhang. Di nga malaman kung Tokhang 2 o kaya’y Tokhang Reloaded ang dapat itawag. Pero gaya ng iniwang takot at mga batikos ng Oplan Tokhang Double Barrel o Tokhang 1, nandiyan pa rin ang takot at pangamba ng taumbayan lalo na sa mga dawit sa illegal na droga. Sandamukal na mga katanungan ang sumulpot sa unang araw pa lamang na napabalitang babalik ang Tokhang. Baka raw patong-patong na naman  ang ihahambalang na mga bangkay kung saan-saan. Baka raw kahit hindi dawit sa droga basta may nagreport o nagnguso, tepok agad. Atin ngang uriratin ire, pards, para mapawi ang pangamba ng sambayanan.

******

Hindi raw madugo ang Oplan Tokhang na bago, ayon kay PNP Chief Bato dela Rosa. Pero hindi isang-daang porsiyento na walang dugo. Anong ibig sabihin? Iisa lang ang katuturan niyan, pards. Walang dugo kung walang lalaban. Sabi nga ni Bato – alangan naman daw na hahayaan na lang nilang mamatay nang walang laban ang mga otoridad na magpapatupad ng oplan. Alangan daw na di nila ipagtatanggol ang kanilang sarili kung sila’y susugurin at tangkang papatayin ng mga subject ng tokhang. Tsk tsk, yan talaga ang praktikal na analysis pards. Papatayin ka na, di ka pa kikilos? Kung ang otoridad ay tatakbo sa kalaban, di ba daw siya duwag? Pero malaki raw ang pagkakaiba ng bagong Tokhang sa ngayon kumpara sa dati.  Papaano?

******

Mula Lunes hanggang Biyernes lang ang operasyon ng Tokhang 2 at sa pagitan lamang ng 8AM at hanggang 5PM. Kakatok muna ang mga Tokhangers sa puntiryang bahay. Magtatanong kung andun ang sadyang tao. Kung andun, aamukihin nilang magsadya sa himpilan ng pulisya at makunan ng paliwanag. Kung ayaw sumama, walang magagawa ang mga otoridad. Kaiba nga. Ibig sabihin, hindi sila mag-aaresto kung mga itotokhang ay mga USER o mga gumagamit ng droga. Imbitasyon lamang ang tapik ng Tokhang. Kung aayon ang user, siya’y tutulungang magpa-rehab at magbagong-buhay. O, di ba, kaiba? Pero may mga tanong: papaano kung lagpas na ng 5PM, tigil na ba ang mga Tokhanger sa pagkatok-katok? Kung sakali namang nataong Sabado at Linggo at naispatan ng mga otoridad na nasa bahay nila ang suspect na user, ipagpapa-Lunes na lang nila ang Tokhang? Di kaya delikado ang estilo, sabi nila. Kasi, paglagpas ng alas singko ng hapon, puwede na namang humithit ang mga durugista lalo na kung Sabado at Linggo na walang tokhang. Papaano raw kung pagbukas ng pinto sa kinatok na bahay ay lumaban agad ang suspect lalo kung may baril? Natural, ibang usapan yan, di ba?

*******

Niliwanag ng PNP na iba ang Tokhang sa Buy-bust operations kontra droga. Sa Tokhang, walang aresto kundi imbitasyon lang. Sa Buy-Bust Operations, may dala na ang mga otoridad na warrant of arrest sa kanilang target na mga drug pusher o drug lords. At kung mayroon mang resistance o manlalaban, natural na magiging madugo na ang operasyon. Papaano raw ang mga napatunayang pinatay na hindi naman nanlaban? Ibang usapan yan, sabi ng kapulisan. May mga pulis na ang nasibak dahil diyan. Marami ang tanggal sa serbisyo (mahigit sa tatlong daan mula nang nagsimula ang Tokhang), at tiyak di na sila makakabalik sa serbisyo at may mga kaso pa silang mabigat. Sabagay, maaalis lamang ang takot o pangamba ng taumbayan sa Tokhang operations kung maging totoo ang sinasabi ng PNP. Bayan, tayo ang humatol sa mga sumusunod na panahon sa operasyong ito. Di na pwede ang pagmamalabis. Adios mi amor, ciao, mabalos!

RELATED POSTS

MGA EKSENA BAGO MAG-PASKO

Bakit kaya sa tuwing magpaPasko…laging sumusulpot ang mga luma at bagong mga eksena? May 27 pang araw bago mag- Pasko pero daming GANAPS....

CONTAIN AND ISOLATE

There seems to be no end to the discovery by authorities of various unusual and perhaps illegal activities going on within the New Bilibid...

THE HARVEST CREATIVE COMMUNITY HUB

The Bayo Foundation together with Baguio City proudly presents the HARVEST CommUNITY Hub, a physical space in Baguio’s iconic Botanical...

PAGHAHANDA SA KAPASKUHAN

NITONG BUWAN, naging pasilip ang mga kasayahang inilunsad ng sektor ng turismo, upang mabigyan ng tamang paghahanda ang darating na...

LATEST NEWS

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

Camp John Hay Development Corp. President Robert John Sobrepena leads in the lighting of the Christmas Tree and other lightings in the garden of Manor as a signal of the celebration of Enchanted Holidays in the Manor Camp John Hay . Art works of members of the City’s...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest