BAGUIO CITY
Inaasahan na ng General Services Office ang tone-toneladang basura sa pagdagsa ng mga tao sa grand celebration ng Panagbenga Festival hanggang sa matapos ito sa Marso 2. Ayon kay GSO Eugene Buyucan, maaaring tumaas ng 10 hanggang 15 porsyento ang dami ng basurang malilikom kumpara noong 2024 na umabot sa 300 tonelada. Aniya, nakipagpulong na sila sa mga organizer upang tiyakin ang epektibong pangangasiwa ng basura, lalo na sa Session Road in Bloom at iba pang mataong lugar.
Upang mapabilis ang pagkolekta ng basura, dalawang karagdagang dump truck ang idinagdag sa 25 na kasalukuyang ginagamit. Mahigpit ding babantayan ng barangay officials at GSO personnel ang mga pangunahing lugar upang
maiwasan ang tambak ng basura. Hinimok naman ng GSO ang publiko na makiisa sa pagsunod sa tamang waste
segregation at disposal, upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan sa isa sa pinakamalaking festival ng bansa.
Glenn Marc Dulay/UB-Intern
February 22, 2025
March 16, 2025
March 16, 2025
March 16, 2025
March 16, 2025
March 16, 2025
March 16, 2025