TRAFFIC APP INIHAHANDA UPANG MAKAPAGBIGAY NG MAAYOS NA DIRECTIONAL ASSISTANCE SA MGA MOTORISTA

BAGUIO CITY

Ihinahanda na ng lokal na pamahalaan ng Baguio ang isang “online traffic web application “ na kung saan ay malaki ang maitutulong nito sa mga motorist hindi lamang sa mga taga Baguio kundi
maging sa mga karatig-bayan at mga turista na mamamasyal sa lunsod. Ito ngayon ang binubuo ng
Management Information and Technology Division of the City Mayor’s Office na magbibigay ng mga impormasyon sa mga motorista kung saan ang mga alternatibong daan o kalye na maari nilang gamitin habang nasa loob sila ng syudad upang maiwasan nila ang bigat ng trapiko sa loob ng central business district (CBD).

Ang nasabing App ay magbibigay din ng impormasyon sa mga lokasyon ng mga pampasaherong jitney o mga taksi mga terminal ng mga sasakyan ay upang malaman ang mga traffic rules ang
regulation at ang impelemtasyon ng number coding at ang pagpapatupad ng truck ban sa lunsod. Ang lahat ng mga impormasyon na ito ay malalaman sa nasabing App. Ipinaliwanag ni Magalong
na “The online traffic assistance application will be accessible through a QR code or direct visit to the website through a link that will be announced before deployment”.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang implementasyon ng trapiko sa ilalim ng Baguio Traffic Police Unit ng Baguio City Police Office at ng City Engineering Office Traffic and Transportation Management
Division sa pagaasikaso ng suliranin sa trapiko sa Baguio. Matatandaan na bumibigat ang trapiko sa lunsod tuwing sumasapit ang peak hours na kung saan mula 6:00 a.m. hangang 9:00 a.m. at sa hapon naman ay mula 4:00p.m. hanggang 7:00 p.m.

Nagiging porblema rin ang trapiko sa lunsod sa tuwing dumarating ang araw ng Biyernes hanggang Linngo na kung saan ay umaakyat ang mga turista upang magpalimig at bumababa rin sa Linggo ng gabi o madaling araw ng Lunes. Dahil sa suliraning ito sa trapiko kung kayat nabuo ang programa na gumawa ng App na maaring makatulong sa mga motorist. Sinabi rin ni City Tourism Office Aloysius Mapalo na halos umaabot sa 100,000 ang mga turista na umaakyat sa lunsod mula noong luwagan ng gobyerno ang alerto sa Pandemic at ito ay naiulat noong Disyembre na kung saan ay
dumagsa ang mga turista sa lunsod.

Aileen P. Refuerzo

Amianan Balita Ngayon