Truck ban ng Baguio, tinutulan ng Benguet gov

May 21, 2017

LUNGSOD NG BAGUIO – Nakiusap si Benguet Governor Cresencio Pacalso sa mga opisyal ng lungsod na pigilan muna ang pagpapatupad ng ordinansa ukol sa truck ban upang maiwasan ang pagkitil sa kabuhayan ng mga magsasaka sa probinsya.
“I talked to Mayor (Mauricio) Domogan this week and he said he has ordered the city police to hold the implementation of the truck ban ordinance,” ani Pacalso.
Kamakailan ay inaprubahan ng Baguio City council ang Ordinance 50 series of 2017 na nagbabawal sa mga heavy equipment, trailers, dump trucks at iba pang freight trucks o six-wheeler trucks at mas malaki pa na lumalagpas sa kabuuang timbang na 4,500 kilograms na bagtasin ang ilang pangunahing kalsada ng lungsod mula ika-6 hanggang 9 ng umaga at ika-4 ng hapon hanggang ika-9 ng gabi.
Sumang-ayon ang truckers sa total truck ban mula 6am hanggang 9am ngunit umiling ang mga ito sa truck ban mula 4pm hanggang 9pm, na anila ay oras ng pagbiyahe ng mga gulay mula sa trading posts sa probinsya ng Benguet patungo sa Metro Manila at iba pang merkado sa bansa.
Ayon sa truckers, pinakamatindi sa kanilang pagbiyahe ang 2pm hanggang 6pm upang umabot sa 6pm hanggang 8pm na truck ban sa La Trinidad, kaya hinihiling ng mga ito sa lokal na gobyerno na huwag saklawin ang kanilang mga truck na may kargang perishable goods sa ipinapatupad na truck ban sa Baguio.
Ipinaliwanag ni Pacalso na kailangang magkaroon ng pagkakatugma sa magkaratig na local government units ng Baguio at Benguet. Ang Baguio ay naliligiran ng mga bayan ng Benguet kung saan kinukuha ang mga gulay at bulaklak na ibinibenta sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa.
Nauna nang naiulat na tinatayang 80 porsyento ng highland vegetable requirement ng Pilipinas ay nagmumula sa probinsya ng Benguet.
Ayon sa gobernador, malaki ang epekto ng truck ban sa mga magsasaka dahil ang mga bulaklak at gulay ay hindi makakaabot sa mga trading areas sa Metro Manila sa oras kung kailan bumibili ang mga traders. Ibig sabihin, kailangang maghintay ng isa pang araw upang mabili ang mga naturang produkto na madaling masira.
“There are specific hours in Metro Manila when trucks are allowed to traverse the roads, they are catching up with the buyers and are also catching up with the cargo ships so they cannot delay their transport,” saad ni Pacalso.
Aniya, ang pagkaantala ay nangangahulugan din ng mas mataas na presyo ng gulay sa Metro Manila at pagkalugi sa bahagi ng mga magsasaka ng Benguet, kasama na ang truckers.
Sinabi ni Pacalso na iniutos ni Domogan sa kapulisan na pansamantalang itigil muna ang pagpapatupad sa ordinansa habang hinihintay ang kumpirmasyon ng city council sa administrative order ng alkalde na nagbibigay ng exemption sa truckers ng mga pangunahing produkto at serbisyo at ang pagpapatibay sa amendatory ordinance ni Bise Mayor Edison Bilog. Liza T. Agoot/ PNA / ABN

RELATED POSTS

KALAMIDAD KAKAMBAL NG TRAHEDYA

Di pa nakakalayo ang bagyong Karding, pumasok na naman ang isa pang sungit ng panahon sa dulong Luzon. Buti na lamang at pa-exit na habang...

IT IS WAR

A Regional Trial Court in Manila has just rendered a decision that the Communist Party of the Philippines and the New Peoples Army...

THE MAKING OF FESTIVAL

The gongs will sound anew for Tam awan Village for the 12th TamAwan International Arts Festival (TIAF) on October 5 to 9, 2022. Heritage,...

BAGONG MUKHA NG UMAGA

WALA NG PAGAGAM ang buong kamunduhan na papalapit na ang bagong umagang matagal ng hinihintay, ang tuluyang pagtuldok sa pandemyang lampas...

LATEST NEWS

BAGUIO MARKET EMPLOYEES SUED IN “KWARTAIS” SCANDAL HIKES TO 14

BAGUIO CITY - Three more employees of the Baguio City government assigned at the public market as collectors of arrival fees or ‘kwartais’ were charged with malversation with falsification of public documents and falsification by public officers, jumping to 14 sued in...

TUBA 7TH AVA FESTIVAL

TUBA 7TH AVA FESTIVAL

Adding-attractions to One Town, One Product (OTOP), Mayor Clarita Sal-ongan and indigenous farmers proudly show locally grown ava (taro) product during the opening of the festival held on Sept 26 at the municipal grounds. Tuba officials show unity promoting the...

ZERO BACKLOG ITI KASKASO TI AGRARIO MATAGINAYON ITI DAR ILOCOS

SIUDAD ITI LAOAG – Matagtaginayon iti Department of Agrarian Reform (DAR) iti zero backlog nga estado iti panangipatungpal ti linteg kadagiti kaskaso iti agrario agingga iti maikatlo a kakapat iti daytoy a tawen. Ipatpatungpal ti ahensia iti zero backlog kadagiti...

GREYHOUND OPERATION

GREYHOUND OPERATION

Nagsagawa ng greyhound operation ang iba’t ibang ahensya at gamit ang sniffing dog para alamin kung itinatagong illegal na droga ang mga Persons Deprive of Liberty (PDL) sa loob ng Baguio City Jail Male Dorm. Walang nakitang droga o pharaphernalia at negatibo din sa...

APAT SUSPEK NADAKIP SA PAGPATAY SA LGBTQ TEACHER SA ABRA

APAT SUSPEK NADAKIP SA PAGPATAY SA LGBTQ TEACHER SA ABRA

Motibo: Land dispute BANGUED, Abra – Natukoy at nadakip na ng pulisya ang apat na suspek na pumatay sa isang guro sa high school na miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, and Queer (LGBTQ) community,sa isinagawang hot pursuit operation,matapos ang krimen...

LOCAL FARMERS CHALLENGED TO PRODUCE ORGANIC PRODUCTS

Tuba’s 7th Ava Festival TUBA, Benguet –Farmers in this town were encouraged to practice organic farming in order to boost and strengthened soil fertility and health benefits of agricultural products. Mayor Clarita Sal-ongan made the call during the Sept. 26 “Kapihan”...

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest