Truckers ng gulay sa Benguet sinabihang sumailalim sa COVID-19 test

LUNGSOD NG BAGUIO – Sinabihan ang mga vegetable truckers at kanilang mga pahinante na sumailalim sa rapid testing para sa coronavirus disease (COVID-19) bago ang kanilang biyahe papunta sa Manila at pumasok sa quarantine sa oras na bumalik sila.
“Truckers should undergo rapid testing before their trip and undergo quarantine once they return,” pahayag ni provincial health officer, Dr. Mercedes Calpito sa isang online press conference noong Martes.
Ginawa ni Calpito ang panawagang ito matapos makapagtala ang probinsiya ng dalawa pang bagong kaso sa nakaraang dalawang araw, na umakyat sa 14 ang aktibong mga kaso.
Sinabi ni Calpito na ang pinakahuling dalawang kaso ay may kasyasayan ng paglalakbay sa Metro Manila at Region III (Central Luzon).
Natunton ng Benguet health workers ang mga nakasama ng pasyente sa paglalakbay sa bayan ng Tuba.
Dinala ang pasyente sa Benguet General Hospital and Medical Center (BGHMC) para sa kaniyang test na lumitaw na positibo kaya nakonfine ito.
Naglalakbay ang mga truckers ng gulay ng Benguet sa National Capital Region na mayroong pinakamaraming kason ng COVID-19.
Ang Quezon City at Manila kung saan dinadala ang mga gulay ay may pinakamaraming kaso sa mga lungsod sa buong bansa.
Karamihan ng mga kaso sa Baguio at Benguet, ang pinakamatinding tinamaan sa local government units sa rehiyon ay may kasaysayang ng paglalakbay sa Metro Manila at Calabarzon, ang ikatlong pinakamatinding tinamaan sa bansa na may 1,810 na kaso kasunod ang Central Visayas na may 3,442 kaso.
Samantala ay sinabi ni Department of Health-Cordillera Administrative Region (DOH-CAR) regional director Dr. Amelita Pangilinan na nakapagtala ang Abra nga ikaapat na kaso nito matapos ang mahigit isang buwan na walang kaso.
Ang pasyente ang isang 32 anyos na babaeng nurse mula bayan ng Lapaz na nagtratrabaho sa Seares Hospital.
May limang aktibong kaso ang Baguio sa kabuuang 36, habang ang Ifugao ay may tatlo at Apayao na isa.
PML-PNA/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon