ABRA, Poblacion—Isang tubero ang napatay at isa pa ang nasugatan sa pamamaril sa loob ng isang compound sa barangay Poblacion, Lagayan sa lalawigan ng Abra noong nakaraang Sabado ng gabi.
Sa salaysay ng Lagayan Police dakong alas 11:45 ng gabi noong Sabado ay nag-iinuman diumano ang biktima na sina Abelino Terredano Torrecampo, 31 anyos at ang kasama nitong si Eric Parinas kapwa taga Poblacion Lagayan kasama sina Elaine Biyang at Joanna Marie Kocurek sa loob ng compound ng Serbando Tesoro ng bigla umanong pumasok ang isang lalaki na nakilalang si Jomer Asistio Biyang na may hawak ng isang bote ng beer.
Nagkaroon umano ng maikling sagutan ang biktima at ang suspek na kung saan ay bigla umanong bumunot ng baril ang suspek na si Biyang at pinaputukan ang suspek at ang kasama nitong si Parinas. Tumakas agad ang suspek matapos ang pamamaril.
Isinugod ng mga rumespondeng pulis ang naabing mga biktima subalit binawian ng buhay si Torrecampo dahil sa tama ng baril bago pa ito dumating sa hospital ayon kay Dr. Felino Burgos Jr, nasugatan naman sa kaliwang hita si Parinas.
Masusi naming iniimbestigahan ng Abra police ang motibo ng pamamaril ng nasabing suspek na hanggang ngayon ay pinaghahanap ng kapulisan.
Artemio A. Dumlao/ABN
May 11, 2025
May 11, 2025
May 11, 2025