ATOK, Benguet – Isa sa mga programa ni Advocate for Women’s and Sustainable Livelihood Marie Rose “Betbet” Fongwan – Kepes ang mas lalo pang palakasin ang turismo sa lalawigan ng Benguet, na may malaking bentahe sa ekonomiya ng lalawigan.
Personal na binisita ni Betbet Fongwan, kasama an gang ilang kinatawan ng nongovernment organization at tourism stakeholders ang Northern Blossom Flower Farm at iba pang mga tourist destination sa bayan ng Atok, na nasasakupan ng ikalawang distrito ng Benguet.
Ang sikat na Cabbage Rose ( Brassica Olearacea) at iba pang mga exotic flowers sa Northern Blosson Flower Farm ang dinadayo ng mga turista mula ng gawin itong attraction noong 2018, subalit makalipas ang dalawang taon ay isinara ito dahil sa pandemya.
“Nakakalungkot nga dahil magdadalawang-taon na itong nakasara at iba pa nating attraction dito sa Atok, dahil sa pandemya,marami ang nawalan ng trabaho.
Alam naman natin ang turismo ay malaking tulong sa ekonomiya sa ating lugar,kaya dapat nating bigyan ito ng pansin at pagtulungan kung paano muli maibabangon ang tourism industry sa ating lalawigan,” pahayag ni Kepes.
Ang bayan ng Atok ay isa sa 4th municipality ng Benguet, na ang tanging pangunahing livelihood ay ang agrikultura na gaya ng vegetables at coffee farming. Kilala din ang bayan bilang Highest Point of the Philippine Highway System.
Sa ngayon kinilala ang Atok bilang tourist destination nang sumikat ang Northern Blossom Flower Farm sa Barangay Sayangan at Haight Place and Sakura Park sa Barangay Paoay at ibang tourist attraction na gaya ng Mt.Timbak Cave,Lourdes Grotto,Half Tunnel,Spanish Trail at Highest Point.
Ayon kay Kapes, “Sa tourism kasi marami ang makikinabang at malaki ang bentahe nito sap ag-angat ng ekonomiya ng isang bayan. Sa tototo lang ngayon ko naa-appreciate ang Atok, dahil umaangat na ito,kaya I help and let’s help Atok para mas lalo pang sumigla ang kabuhayan at kalakalan dito.”
“Umaasa tayo sa mga darating na araw at maging Alert Level 2 na tayo ay mahimok natin ang LGU na muling mabuksan ang mga tourist destination, hindi lamang sa Atok,kundi sa buog lalawigan,upang makabawi naman sa halos dalawang taon na nakasara ang mga ito,” pahayag pa ni Kepes.
Si Kepes na lumilibot sa District 2 ng Benguet ay kilalang sumusuporta sa mga Women’s Organization at nakita nito na ang pangunahing problema ay pinasyal upang maisulong ang kanilang livelihood projects, na karamihan ay nakaakibat sa turismo.
“Nakita natin na karamihan sa livelihood ng mga Women’s Organization ay mga produkto para sa turismo,gaya ng souvenir at delicacies, so magka-akibat na ito na dapat nating bigyan ng pansin at suporta na ilalapit ko sa ating gobyerno.
Pag walang turismo,wala din kabuhayan ang ating women’s organization. Nakita natin na may mga nagde-develop ng lugar para gawing atraksyon, gaya ng bagong tanawin na Tayao Garden. Sana ay mapansin ito ang LGU at masuportahan ang mga ito.”
Zaldy Comanda/ABN
May 10, 2025
May 10, 2025
May 10, 2025