CAMP DANGWA, Benguet – Hindi nakalusot ang isang dental technician na nag-astang turista ang nasakote ng pulisya, matapos tangkaing magpuslit ng marijuana bricks pabalik ng Maynila sa Poblacion, Bontoc, Mountain Province., smantalang timbog naman ang isang estudyante sa buy-bust operation sa Tabuk City, Kalinga.
Kinilala ni Capt. Marnie Abellanida,deputy regional information officer ng Police Regional Office-Cordillera, ang nadakip na si Rosendo Don Piquero Tadeo, 24, dental technician sa Bicutan City at nakatira sa Grand Circle Condominium Unit, 307, Quipao Manila at Jay-Boy Agyao Amangan, 22, student, residente ng Sitio Pakak, Agbannawag, Tabuk City, Kalinga.
Ayon kay Abellanida, nakatanggap ng impormasyon ang pulisya na si Tadeo ay galing sa lalawigan ng Kalinga na bitbit ang backpack at dumaan sa Tinglayan-Sadanga road,patungong bayan ng Bontoc.
Agad nagsagawa ng interdiction operation ang mga opertiba ng Mt.Province Provincial Police Office at nakita ang suspek na may bitbit na backpack sa harapan ng Kalley Xereox Center, Sepulchre Street, Poblacion, Bontoc, Mt. Province, malapit sa bus terminal.
Nakumpiska sa suspek ang 14 piraso ng rectangular briks form ng dried marijuana leaves na may timbang na 13,021 kilograms at may Standard Drug Price na P1,562,520.00.
Si Amangan ay unang nakipag-transaksyon sa mga tauhan ng Kalinga Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) sa pamumuno ni Maj.Dominic Rosario,kaugnay sa pagbebenta nito ng marijuana.
Isinagawa ang buy-bust operation noong Abril 17 sa may national highway ng Sitio Pacak, Agbannawag, Tabuk City, Kalinga, dakong alas 11:25 ng tanghali.
Nakuha sa suspek ang 10 bricks ng marijuana dried leaves and stalks na may timbang na 10,000 grams na may Standard Drug Price na P1,200,000.00 at mga nagkalat pang dried marijuana at astalks sa loob ng karton na may timabang na 50 grams na may halagang P6,000.00.
Zaldy Comand/ABN
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025