UB MULING NAGSAGAWA NG PADYAK PARA SA KALUSUGAN

PADYAK PARA SA KALUSUGAN – Pagpapatunay ng mga siklista sa lungsod ng Baguio na hindi lang ito tungkol sa ehersisyo kundi pati na rin pagtataguyod ng kalusugan, pagkakaisa, pagtutulungan at malasakit


BAGUIO CITY

Muling pinatunayan ng mga siklista ng lungsod ng Baguio na hindi lang ito tungkol sa pag-eehersisyo kundi pati na rin sa pagtutulungan at malasakit. Sa ikatlong taon ng “Bike for Fitness, Ride for Bond” ng University of Baguio, matagumpay na naisakatuparan ang layunin ng aktibidad, ito ay ang pagtataguyod ng kalusugan, pagkakaisa, at pagbibigay ng suporta sa mga piling paaralan at grupo ng persons with disabilities (PWDs) sa lungsod. “Agyaman kami ti kontribusyon yo iti Biker Day. I believe this is already the 3rd [edition], dakel ti iyaman mi kadakayo amin. Malaking tulong ito sa ating mga benepisyaryo, ang visually impaired group na Positive and Productive Dreamers mula sa Barangay Pinsao Proper, gayundin sa Lindawan Elementary School at Lindawan National High School,” pahayag ni Jayton Anaen, Chief Security Office, University of Baguio.

Ibinahagi rin niya ang patuloy na paglago ng aktibidad, na noon ay baseball cap lamang ang premyo, ngunit ngayong taon ay may P10,000
gantimpala. Ayon naman naman Dr. Donavilla Marie Panday, Director – Research Innovation Extension and Community Outreach (RIECO), “Kasama rito ang mga paaralan sa Lindawan at ang Positive and Productive Dreamers. Aniya, pangalawang layunin ay ang kalusugan at kapakanan ng ating mga ‘allies’—alumni, leaders, IPs, environmentalists, at mga estudyante. Isa sa mga kalahok, si
Charlton Daguasi, na nagtamo ng ikatlong puwesto sa karera, ay nagbahagi ng kanyang inspirasyong sumali.

“Para mapanatili ang good health at ma-encourage ang kabataan na umiwas sa bisyo. First time kong sumali, medyo kinakabahan pero motivated pa rin. Tuloy lang ang training. Ang pag-aalaga sa sarili ay respeto rin sa sarili, para maabot mo ang mga pangarap mo, huwag kang susuko,” pahayag ni Daguasi. Sa pagtatapos ng aktibidad, tiniyak ng mga organizer na magpapatuloy ang ganitong klaseng inisyatibo para sa layuning mapaunlad ang komunidad at buong lungsod ng Baguio.

Hadji Mhor M. Sara/UB-Intern

Amianan Balita Ngayon