BAGUIO CITY
Nakapasok sa Top 10 ang isang alumna ng University of the Cordilleras sa katatapos lamang na Nurses Licensure Examination nitong May 14. Si Earhaisha Dela Cruz Soriano ay nakakuha ng rating na 90.00% at isa siya Top 10 o
pang-sampu sa May 2024 Philippine Nurses Licensure Examination (NLE). Sa nakalipas na ilang taon, ang mga paaralan sa Cordillera ay patuloy na nagpakita ng kahusayan sa Nursing Licensure Examination.
Ang tradisyong ito ng kahusayan ay nagpapatuloy, tulad ng ipinakita ni Soriano na alumna ng University of the
Cordilleras na namumukodtangi bilang isa sa mga nangungunang examinees. Inanunsyo ng Philippine Regulation Commission (PRC) na 7,749 lamang ang nakapasa sa lahat ng 11,116 na studyante na sumailalim ng examination ng Board of Nursing sa lalawigan ng N. C. R., Baguio City, Butuan, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Koronadal, Legazpi, Lucena, Pagadian, Pampanga, Rosales, Tacloban, Tuguegarao, Zamboanga and Puerto Princesa at Palawan.
Si Abigail Escueta Cayanan mula sa St. Jude College – Dasmariñas, Cavite ang nanguna sa listahan ng mga topnotcher na may pinakamataas na iskor na 92.60 porsyento, na sinundan ni Jim Jerico Cedric Garo Uy mula sa St. Paul University – Tuguegarao na may iskor na 91.80 porsyento. Samantala, si Mary Vhinne Anne Verzo Colandog mula sa Southern Luzon State University – Lucban at si Zynarik Alzola Tabelisma mula sa Adventist University of the Philippines ay magkasamang pumangatlo na may iskor na 91.60 porsyento.
Sa kabilang banda, tatlong paaralan ang nanguna sa listahan ng mga pinakamahusay na paaralan, lahat ay may
passing rate na 100 porsyento, na kinabibilangan ng Cavite State University, Southern Luzon State University-Lucban, at University of Mindanao-Davao City.
Aaron T. Mendoza/UC-Intern
April 26, 2025
April 26, 2025
April 26, 2025
April 26, 2025