URDANETA CITY, Pangasinan
Sa kabila ng pagiging Unang Ginang ng lalawigan ng Pangasinan, tapat na asawa at ina sa kanyang limang anak, ay kaakibat pa din ni Maan Tuazon-Guico, ang pagiging aktibo sa paghahatid ng serbisyo para sa kanyang mga kababayan. Si Maan Tuazon- Guico ang butihing asawa ni Pangasinan’s 31st Governor, Ramon ‘Mon-Mon’ Velicaria Guico III. Kamakailan lamang sa halip na pagtuunan ng pansin ang pamilya ay minabuti niyang dumalo sa ‘Blessing and Turnover of Ambulance’ sa Binalonan, para ipakita ang kanyang suporta at pagmamalasakit sa larangan ng kalusugan.
Ang ambulansya ay handog ng Department of Health (DOH) sa bayan ng Binalonan, sa pakikipagtulungan ng opisina ni Cong. Ramon ‘Monching’ Guico Jr. Ang nasabing ambulansya ay magiging malaking tulong pagpapabuti ng sa mga serbisyong pangkalusugan ng RHU Binalonan. Kasama ni Madam Guico sa programa sina sina Mayor Ramon Ronald V. Guico IV, Vice Mayor Bryan Louie Balangue, mga Board Member na sina Chinky Perez, Louie Sison, at Joyce Fernandez, DOH Regional Director Dr. Paula Paz M. Syndiongco, at mga kinatawan mula sa DOH Pangasinan.
“Napakahalaga na pangalagaan natin ang kalusugan ng ating mga kababayan, mula sa matanda hanggang sa bata,dahil sila ay umaasa sa ating mga tulong. Ang ambulansya ay napakalaking tulong sa mga maysakit o sa mga nangangailangan para maihatid sa ating pagamutan.” Sa kanyang malawak na karanasan sa iba’t ibang larangan ng marangal na pagpupunyagi, pangunahin sa mga serbisyo sa komunidad, nanatiling tagapagtaguyod ang First Lady para sa mga aktibidad na sosyo-ekonomiko batay sa kanyang matatag na paniniwala na walang hangganan ang serbisyo publiko.
Nagtapos siya ng degree ng Bachelor of Science in Business Administration na may major in Computer
Applications sa Dela Salle University, College of Saint Benilde. Palagi siyang aktibo sa serbisyo publiko, naglilingkod sa iba’t ibang mga kapasidad, tulad ng: First Spouses League of Pangasinan—Chairperson/Founder; Pinablin Pangasinan Rural Improvement Club Inc.—Honorary Chairperson; WCC Flight Attendant School—Diretso; Congressional Spouses Foundation Inc. (CSFI)—Dating Kinatawan ng Rehiyon 1; PR/Communications/Logistics Head ni Gobernador Ramon V. Guico III; Special Consultant/Head of Special and Major Events of the Province of Pangasinan; Pinuno ng Iba’t ibang Socio Economic Activities ng Lalawigan ng Pangasinan, at iba pa.
Dahil dito, nagkaroon siya ng malaking epekto sa buhay ng mga taong nahawakan niya sa loob at labas ng
Pangasinan sa pamamagitan ng mga gawaing makataong tulad ng pagtugon sa kalamidad sa mga biktima ng sunog
at baha, Community and Welfare Services “Serbisyo Caravan,” at iba pang maka-mamamayan at mga pro-life
program. “Noong pumutok ang Mount Pinatubo, natabunan ang bahay namin ng lahar. Lahat nawala. Kaya alam ko
ang pakiramdam ng nawalan. Simula noon, I made a promise to help other people who are in need,” pahayag ni
Mrs. Guico.
Zaldy Comanda/ABN
September 20, 2024
January 18, 2025
January 18, 2025
January 18, 2025
January 18, 2025
January 18, 2025
January 18, 2025