BAGUIO CITY – May 270 units o pamilya ang unang mabibiyayaan na magkaroon ng sariling tahanan, matapos simulan na ng pamahalaang lungsod ang unang socialized housing project sa Barangay Irisan, Baguio City.
Inihayag ni Mayor Benjamin Magalong na ang ground works ay nagpapatuloy ngayon sa tinatawag na Luna Terraces, ang unang socialized housing project kasunod ng project groundbreaking noong Pebrero.
Sinabi ni Magalong, layunin ng proyekto na magtayo ng Socialized Permaculture Housing Community na pinondohan ng Department of Human Settlements and Urban Development at ng Department of National Housing Authority.
Ang ibig sabihin ng Permaculture ay “makabagong balangkas para sa paglikha ng mga napapanatiling paraan ng pamumuhay, how to grow food, build houses, magtayo ng mga bahay at lumikha ng mga komunidad at mabawasan ang epekto sa kapaligiran nang sabay-sabay.”
Nag-download ang NHA ng P50 milyon sa lungsod para sa pagtatayo ng dalawang gusali. May kabuuang P326 milyon ang inilaan para sa buong proyekto. Walo pang plano ng gusali na itatayo sa site.
Ayon sa planong pinagsama-sama ng Plan and Design team, na pinamumunuan ng City Planning and Development, City Engineering at City Buildings and Architecture, dalawang gusali ang unang itatayo na may 270 units para sa award sa ilalim ng socialized payment terms sa mga kwalipikadong pamilya .
Ang mga benepisyaryo ay pipiliin batay sa mga criteria na ginagawa ngayon ng Office of the City Social Welfare and Development Office.
Aniya, bibigyan ng priyoridad ang mga informal settlers o pamilyang naninirahan sa mga delikadong lugar o nawalan ng tirahan dahil sa natural o human-induced disasters, bukod sa iba pang pamantayan.
Sinabi ni Magalong, sa kasalukuyan, ang lungsod ay may tinatayang 15,000 pamilya na nangangailangan ng socialized housing na nag-udyok sa pamahalaang lungsod na mag-scout ng mas maraming lote na bubuuin bilang pabahay para sa kanila.
Sinabi niya na si DHSUD Secretary Eduardo Del Rosario ay nagpahayag ng buong suporta sa thrust ng lungsod na ituloy ang mas mababang gastos sa mga proyekto sa pabahay.
Zaldy Comanda/ABN
March 21, 2022
May 10, 2025
May 10, 2025
May 10, 2025