Nagkalat sa lalawigan ng Pangasinan, gaya din ng probinsya ng Tarlac, ang mga saklaan at pergalan (peryahan na may sugalan). Sadyang nabulag at nabingi na kaya sa lingguhan o buwanang payola o padulas ang Pangasinan Provincial police sa pamumuno ni Col. Rollyfer Capoquian kung kaya’t tila “untouchable” na sa anti-criminality operations ang mga pasugalan ni Roland Ibasan sa mga bayan ng San Jacinto, Calasiao, Manaoag, Malasiqui? Isang nagngangalang Alvin Magat naman ang hari ng sugalan sa San Carlos City. Dahil siya ang hari, hindi natitinag ang kanyang operasyon, bata man o matanda ang mga malululong sa mga iligal nilang gawain.
Hindi rin magalaw ng pulisya, ang pangunahing ahensya ng pamahalaan na dapat sumasawata sa mga kahalintulad na mga iligal na
gawain, ang pasugalan ni “Engr. Flores” sa bayan ng Mangaldan. Sugalan naman ni Rene Ibasan ang namamayagpag sa bayan ng Binmaley. Mismo pang malapit sa Binmaley public market na napakaraming tao, bata man o matanda, ang nakakakitang animo’y legal
itong operasyon niya dahil pikit-mata ang otoridad. Sa syudad ng Urdaneta naman ay pinaghaharian ng operasyon ni Ronald Oldac, ang sikat na operator noon ng 24-oras na sugalang sa Baguio City na ngayo’y namamayagpag na sa syudad na ito sa Pangasinan.
Itinuturong mga “influence-peddlers” ang mga nagngangalang “Alyas Pidlaoan”, “Alyas Castro” at “Alyas De Vera” na diumano’y
ipinangangalandakang nakadikit kay Col. Capoquian at mga iba pang personalidad sa pamamgitan ng lingguhan o buwanang payola. Gaya rin sa mga nagkalat na mga saklaan at pergalan sa Tarlac, siguradong may basbas ang mga Mayor, Vice-Mayor at mga kagawad ng Sangguniang Panglungsod o Sangunniang Bayan. Dahil kung hindi, hindi naman magtatagal ang iligal na gawain and magkapatid na
Roland at Rene Ibasan, Alvin Magat, Engr. Flores at Ronald Oldac. Nakararating kaya sa kaalaman ni Gov. Ramon Guico III ang mga sugalang nagaganap sa iba’t-ibang sulok ng kanyang probinsya?
April 13, 2025
April 13, 2025
April 13, 2025
April 13, 2025
April 13, 2025
April 13, 2025
April 12, 2025
April 12, 2025