BAGUIO CITY
Ipinahayag ni Engr. Marcelina Tabelin, supervising agriculturist ng City Veterinary and Agriculture Office, na ang urban agriculture
division ay may mga serbisyo sa produksyon ng iba’t ibang pananim, livestock, poultry, at fisheries. Sa naganap na City Hall Hour noong Marso 26,sinabi nito na ang lungsod ay kilala sa may mga malawak na lugar ng produksyon ng agrikultura,nagpapatakbo ng iba’t ibang programa upang suportahan ang mga magsasaka at fisheries ng urban agriculture.
Aniya, mayroong ilang in-land aquaculture livelihood interventions na ginagawa sa mga lugar tulad ng Mines View Lucnab, Happy Hollow, Santo Tomas Central, at Irisan. Ang mga ito ay ginagawa sa pamamagitan ng paghuhukay ng lupa at paglalagay ng plastic bedding
upang hindi mabilis ang pagdrain ng tubig. Tinatrabaho nila ang pagpapalaki ng tilapia at hito, para sa home consumption at paminsan-minsan ay ibinebenta sa mga kapitbahay. Ayon kay Tabelin, “Kapag agricultural commodities, ang pricing ay subject to supply and
demand so hindi natin yan control.
Ang Agriculture Office ay nagmomonitor lamang ng mga presyo sa mga pampublikong merkado.” Ang mga lugar ng produksyon ay kinabibilangan ng 16 na mga barangay na engaged sa komersyal na pagsasaka, tulad ng Santo Tomas Proper, Santo Tomas Central, Dontogan, Camp 7, Irisan, Happy Hollow, Lucnab, Ambiong Baguio, Pinsao Proper, at Asin Road. Ang mga ito ay nag produce ng mga gulay tulad ng broccoli, cauliflower, lettuce, beans, at tomato. Mula sa Santo Tomas Central, may mga produkto na nagpapadala pa sa Manila dahil may mga buyer na pumupunta mismo sa mga bukid.
Ang Agriculture Office ay nagbibigay rin ng mga suporta sa mga magsasaka, tulad ng post harvest facilities and production facilities tulad ng greenhouses, pati na rin ang mga machineries, equipments and Coffee Roaster at Huller. Mayroon din silang mga programa para sa mga batang magsasaka sa pakikipagtulungan sa mga pampublikong paaralan at Sangguniang Kabataan. Sa mga in-land aquaculture, sila ay nagbibigay ng mga libreng fingerlings tulad ng tilapia at hito, post harvest equipments tulad ng freezers at timbangan.
Ang mga ito ay karaniwang mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR). Sa mga pananim at crops, mas maraming
suporta dahil ito ang pangunahing layunin upang mapanatili ang antas ng seguridad sa pagkain ng lungsod. Ang mga interesadong magtayo ng in-land aquaculture ay kailangang magpatala sa agriculture office upang ma-prevalidate ang kalidad ng tubig sa lugar.
Pagkatapos nito, kung mayroong libreng fingerlings na ibibigay, ang mga ito ay ire-rehistro bilang mga mangingisda sa BFAR.
Hubert Balageo/UB-Intern
March 29, 2025
April 26, 2025
April 26, 2025
April 26, 2025
April 26, 2025
April 26, 2025
April 19, 2025