USEC. NEREZ, PINASINAYAAN ANG 32ND PNP FOUNDING ANNIVERSARY SA PROCOR

CAMP DANGWA, Benguet

Pinangunahan ni Undersecretary for Police Affairs ng Office of the Presidential Adviser on Military
and Police Affairs, retired general Atty. Isagani Nerez, bilang guest of honor and speaker sa paggunita sa 32nd Founding Anniversary ng PNP na may temang: “Patuloy na serbisyong publiko, Handog ng Pambansang Kapulisan na may Malasakit, Kaayusan, at Kapayapaan tungo sa Kaunlaran ng ating bayan” sa Camp Bado Dangwa,La Trinidad, Benguet, noong Pebrero 20.

Bago ang programa ay nag-alay ng bulaklak si Nerez,kasama si Brig, Gen. Mafelino Bazar, regional director ng Police Regional Office-Cordillera sa Heroes Monument, bilang pag-saludo at pagkilala sa mga nagbuwis ng buhay para sa bayan. Bilang highlights din ng seremonya, pinangunahan ni
Nerez at Bazar ang pagbibigay ng mga parangal sa mga karapat-dapat na PROCOR cops.

Sa kanyang mensahe, pinuri ni Nerez si Bazar sa kanyang dakila at matalinong pamumuno na nagsisiguro ng kapayapaan at kaayusan sa rehiyon ng Cordillera. “Hindi lang siya matalino, magaling, kundi may pusong puno ng passion. sa kanyang trabaho at pakikiramay sa publiko. We are confident na itong Cordillera will always be safe, kaya masaya tayo at nandito ang inyong mahusay na lider,” pahayag pa ni Nerez, na nagsilbi din bilang regional director ng PROCOR.

Dumalo din sa aktibidad sina MGen. Oliver Enmodias, deputy commander ng Area Police Command-Northern Luzon; BGen.Patrick Joseph Allan, deputy regional Director for Administration; Araceli San Jose, regional director ng Department of Interior and Local
Government (DILG) – Cordillera; Editha Puddoc, director ng National Police Commission
(NAPOLCOM) -Cordillera; Julius Paderes, regional director ng Philippine Drug Enforcement
Agency (PDEA) –Cordillera at Jail Senior Superintendent Catherine Abueva, ng Bureau of
Jail Management and Penology (BJMP) – Cordillera.

Ipinagdiriwang ng PNP ang anibersaryo ng pagkakatatag nito bawat taon upang markahan ang pagkakalikha nito sa ilalim ng Republic Act 6975 o ang DILG Reorganization Act na nilagdaan
noong Enero 29, 1991.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon