ATOK, Benguet – Sa unang pagkakataon ay nakahuli ng narijuana cultivator ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera at Atok MPS sa may highest point ng Barangay Cattubo, Atok, Benguet.
Nabatid jay PDEA Regional Director Gil Castro , ang suspek na si Michael Banda-ay Bitabit,61, ng B a r a n g a y Sayangan, Atok, Benguet, ay isang vegetable farmer.
Ayon kay Castro, minatyagan muna nila ang isang vegetable garden noong umaga ng Mayo 17 habang inaantay ang pagdating ng suspek.
Hindi nakapalag ang suspek nang mahuli siya sa aktong nagpapatuyo ng inaning tanim na marijuana. Sa mismong mga tanim nitong repolyo ay nakapalibot ang may 25 fully grown marijuana plant, na nagkakahalagang P5,000 at narekober din ang 1 kilong gramo marijuana stalks with fruiting tops for drying na may halagang P120,000.00.
Zaldy Comanda/ABN
May 11, 2025
May 11, 2025
May 11, 2025