VENDOR NINAKAWAN PINATAY NG 2 MINOR SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY

Minamanmanan ngayon ng mga imbestigador ng Baguio City police Office ang dalawang menor de edad na posibleng suspek sa pagpatay sa isang 39 taong gulang na babaeng vendor at pagnakawan sa loob ng bahay nito sa Barangay San Luis Village noong madaling araw ng Hulyo 11. Kinilala ang biktima na si Floradel De Mesa, na nagtamo ng maraming saksak sa kanyang dibdib at iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan na pinaniniwalaang nanlaban sa mga salarin.

Lumitaw din sa imbestigasyon na nawawala ang pera ng biktima na P100,000.00 at cellphone nito.
Napag-alaman na ang nasabing pera ay gagamitin para sa operasyon ng kanyang asawa na naka-confine sa ospital. Ang kanyang 3 taong gulang na anak na lalaki ay kasama niya nang maganap ang
insidente ay hindi nasaktan. Labis na kalungkutan at hinagpis ng asawa nitong si Jonar De Mesa sa nangyari sa sinapit ng kanyang asawa.

Isinalaysay ni Jonar sa pulisya, na noong alas 9:00 ng gabi ng Hulyo 10 ay nakausap niya ang asawa sa cellphone at umaasang dadalhan siya ng gatas sa hospital ng alas 3;00 ng hapon. Aniya, hindi dumating ang kanyang asawa at hindi na tumawag kinabukasan, kaya inutusan niya ang kanyang anak na umuwi at hanapin ang kanyang ina dahil hindi ito sumasagot ng anumang tawag
o text at nakaramdam na umano siya ng kakaiba.

Kaagad na umuwi ang bata at nakita ang kanyang ina na duguan at wala ng buhay sa kanyang silid at hawak ang kanyang 3 taong gulang na kapatid habang natutulog. Napag-alaman na mayroon ng minamanmanan na suspek ang pulisya, subalit hindi pinababanggit ang pagkakakilanlan nito na
pawang menor de edad,habang inihahanda na nila ang pagsampa ng kasong Robbery with Homicide sa mga suspek.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon