Vigan City nakapagtala kamakailan ng 7 pagkamatay sa COVID-19

LUNGSOD NG VIGAN – Nakapagtala ang pamahalaang lungsod ng Vigan ng pitong pagkamatay na may kaugnayan sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) mula ng mag-umpisa ang buwan na ito na lahat ay mga senior citizen.
Ang una ay naitala noong Agosto 3 na isang 75 taong gulang na lalaki mula Barangay IX na namatay dahil sa acute respiratory failure secondary to community acquired pneumonia-high risk at COVID-19.
Tatlo pang residente ang namatay noong Agosto 7. Isang 88 anyos na babae mula Barangay IX na namatay dahil sa acute respiratory failure secondary to community acquired pneumonia-high risk and COVID-19.
Isang 88 taong gulang na lalaki mula Barangay Beddeng Daya idineklarang dead on arrival at nadiagnose ng acute respiratory failure, confirmed COVID-19.
Isang 67 anyos na lalaki mula Barangay Capangpangan namatay dahil sa pneumonia of malignancy; cranial mass, malignant, at confirmed COVID-19. Tatlong residente ang naamatay din noong Agosto 10.
Isang 62 taong gulang na babae mula Barangay San Julian Sur namatay dahil sa acute respiratory failure secondary to community acquired pneumonia-high risk and COVID-19.
Isang 86 anyos na lalaki mula Barangay V namatay dahil sa acute kidney injury; acute myocardial infarction; confirmed COVID-19; hypertensive cardiovascular disease.
Isang 67 taong gulang na babae mula Barangay IV namatay dahil sa severe acute respiratory distress syndrome; COVID infected pneumonia; confirmed COVID-19.
Ipinaabot ni Vigan City Mayor Juan Carlo Medina ang kaniyang pakikidalamhati sa mga naulilang mga pamilya at kanilang mga kamag-anak at hinikayat ang mga Biguenos na makinabang sa vaccination program at paigtingin ang kanilang pagsunod sa health protocols.
“The threat to our very lives has increased because of the emerging COVID-19 variants and its transmission. The only way to counter it is by strengthening our defenses,” ani Medina.
Samantala ay sinabi ng Philippine Statistics Authority (PSA)-Ilocos Sur Provincial Statistical Office na ang PSA-Civil Registration Services (CRS) Outlet na nasa University of Northern Philippines (UNP) Town Center sa Tamag village dito ay magsasara mula Agosto 9 hanggang 23 dahil sa pagpapatupad ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sa lungsod.
Inaabisuhan ang mga kliyente na magtungo sa PSA-CRS Outlet sa San Fernando City, La Union o sa mga munisipalidad kung saan ang Batch Request System ay operational para sa civil registry documents request.
Ang mga nasabing munisipalidad ay ang Cervantes, Gregorio del Pilar, Lidlidda, Quirino, San Emilio, San Esteban, Suyo at Tagudin.
Ang PhilSys Fixed Registration Center na nasa UNP Town Center ay magsasara sa publiko hanggang maalis ang MECQ.
Sinuspinde rin ng Commission on Elections ang voter registration at pag-isyu ng voter’s certification sa Office of the Election Officer sa Vigan para sa parehong panahon.
Sa isang advisory ay tinukoy ng Comelec ang implementasyon ng MECQ bilang dahilan. “Including satellite registration in barangays, malls, and other venues,” idinagdag nito.
(AMB-PIA IS/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon