Visitors mag online sa Baguio kahit may bakuna

LUNGSOD NG BAGUIO – Inanunsiyo ng lokal na gobyerno dito noong Miyerkoles, Hulyo 7 na ang online registration para sa hindi residente ng Baguio ay kailangan pa kung papasok sa mga border ng lungsod na ito kahit pa may vaccination card sila na nagpapakita sa dalawang dose ng anti-coronavirus disease 2019 (Covid-19) vaccine.
Sinabi ni Atty. Althea Rossana Alberto, executive assistant IV sa city mayor’s office, sa “Ugnayan” press conference noong hapon ng Miyerkoles na kailangang kumuha ang mga bisita ng kanilang vaccination QR (quick response) passport sa HDF (hdf.baguio.gov.ph) para sa APORs (authorized persons outside the residence), at sa Visita (visita.baguio.gov.ph) para sa mga turista.
Sa oras na pumasok sa border checkpoint, ang mga nasabing bisita ay dadalhin pa sa triage area sa Baguio Convention Center kung saan beberipikahin ang kanilang dokumento kung tunay at totoo ito.
“We caution the public, they can be charged for a criminal case if they are found presenting a spurious vaccination certification or card,” ani ng abogada.
Sinabi ni Alberto na ang mga nakatanggap ng bakuna sa lungsod ngunit umaalis patungo sa trabaho o laging nagbibiyahe ay dapat dalhin lagi ang QR code na inisyu ng bakuna.baguio.gov.ph.
“Our checkpoints are equipped with the capability to check the QR code of those who were locally vaccinated and from there, it can already be verified,” ani Alberto.
Dagdag pa niya na ang mga residente na walang vaccination QR code ay kinakailangang magkaroon ng negative test result kapag pumasok sa lungsod.
“No approved QTP, no entry,” aniya. Sa isang hiwalay na press conference ay sinabi ni Col. Glenn Lonogan, director of the Baguio City Police Office (BCPO), na inutusan niya ang lahat ng border checkpoints na suriin mabuti ang mga dokumento “dahil sila ang unang linya ng depensa laban sa virus”.
“We already have records of people discovered to have fake documents and we did not hesitate to file charges against them,” ani Lonogan.
Sinabi ng opisyal ng pulis na nadiskubre nila na ilang tao na pumapasok sa mga border na nagpapalusot na “dumadaan lamang” at pupunta sa LISTT – sa mga bayan ng La Trinidad, Itogon, Sablan, Tuba, Tublay- at ibang probinsya ngunit kalauna’y nabibistong mga residente upang makaiwas sa triage.
“There are some who claim they are passing thru so that they can avoid going thru the triage but we already have a scheme to assure that the alibi is not abused,” pahayag ni Lonogan.
Base sa mga panuntunan na inilabas ng lungsod, ang mga estudyante at kanilang driver na sinasabing ang kanilang biyahe sa Baguio ay isa lamang “drop-off” ay kinakailangan na nayong magpakita ng patunay ng enrollment sa isang paaralan na nagpapahintulot ng face-to-face, isang QTP bilang isang APOR na kinakailangan din ng isang QTP ng driver mula sa visita online application.
(LA-PNA/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon