BAGUIO CITY – Labis na pinuri ni Vice President Leni Robredo ang lungsod sa pangunguna ni Mayor Benjamin Magalong sa pagiging isa sa best performing Local Government Units (LGU’s), as far as contact tracing and vaccination is concerned.
Si Robredo ay naging pangunahing bisita sa Monday’s Flag raising ceremony sa Baguio City Hall ground kaninang umaga (December 6) at nanguna sa pagbibigay parangal sa mga iba’t ahensya na nagsilbing frontliners sa kasagsagsagan ng pandemya.
Ang mga pinarangalan na kinilala bilang mga frontliners, backliners, sideliners at mga maituturing na naging bayani sa kanilang ipinakitang commitment, dedication at professionalism sa patuloy na paglaban sa COVID-19 pandemic ay kinabibilanngan nina Benguet Electric Cooperative, Philippine Long Distance Telephone Company, Department of Health Cordillera, PhilHealth Cordillera.
Upper QM Barangay, Kayang Extension Barangay, Department of Education, Philippine Information Agency Cordillera, Baguio Correspondents and Broadcasters Club, Kapisanan ng mga Broadcaster ng Pilipinas at University of the Philippines Baguio, Department of Mathematics and Computing Science.
“I’ve been to Baguio so many times in the past, even when I was still a child. In fact, after the plane crash that took my husband’s life away, dito po kami nag-Christmas and New Year ng aking mga anak, pero first time po sa akin na makatungtong dito sa Baguio City Hall’, pahayag ni Robredo sa kanyang mensahe.
Ayon kay Robredo, noong kasagsagan ng pandemya ay lagi siyang kumukunsulta kay Magalong, dahil sa mahusay nitong pamamalakad sa COVID response.”It is truly an auspicious time to be gracing your flag ceremony, kasi you’re celebrating your Employees’ Week. I am giving tribute to the men and women who help– helped the city fight the pandemic.”
Alam niyo po, kanina nagku-kuwentuhan kami ni Mayor Benjie and noong sinabihan ko ‘yung team to request for a courtesy visit dito sa City Hall, sabi po noong team, we are invited to attend the flag ceremony. I was actually hesitant, Mayor. I was actually hesitant kasi sabi ko, hesitant ako kasi presidential candidate ako. Siguro kung hindi ako kandidato, hindi ako hesitant.
Pero hesitant ako kasi I felt baka maging very intrusive. So, thank you for welcoming us this way. She thank the men and women behind all the successes that Baguio City has achieved over the years. “Pag tungtong ko lang po kanina dito sa harap ng City Hall, naalala ko ‘yung asawa ko, who was a friend of Mayor Benjie.” “Marami akong nakitang parallelisms in Baguio now, under the leadership of Mayor Benjie.
Kanina nagku-kuwentuhan kami ni Mayor Benjie about our frustrations with politics and with many other things that become roadblocks in our quest for… for good governance. And I am happy that Baguio and Naga share a lot of similarities, gaya ng hindi dito nauso ‘yung vote buying, hindi dito nauso ‘yung masyadong–‘yung violence in politics.
“I am so happy that Baguio City has found a way to honor ‘yung mga tao na, who should really take the credit for all the good things that have been happening. ‘Yung mga men and women who are doing the more difficult and often thankless jobs, na ngayong umaga ay naparangalan sila.”
“Please know that Vice President pa naman po ako hanggang June 30, and we are always here to, you know, fill the gaps, kung meron.That has always been the tenet of what we have fought for at the Office of the Vice President. When I was first–when I got elected in 2016, marami pong mga balakid ‘yung aming pagsisilbi. One of them is the limited mandate of the office, another is we have one of the smallest budgets in the entire bureaucracy.”
Matapos sa city hall, ay binisita ni Robredo ang state-of the-art na Command Center sa Baguio Convention Center at nagtungo ito para sa Robredo People’s Council.
Bibisitahin din nito ang Good Shepherd Convent sa Mines View at blessing ng Leni-Koko Headquarters sa Dominican Hill, Baguio City.
Kinabukasan, Disyembre 7, si Robredo nag-courtesy call kay Bishop Victor Barnuevo sa Bishop’s Residence, Our Lady of the Atonement Cathedral, kasunod ang Meet and Greet sa mga Madre at Pari mula sa iba’t ibang simbahan at religious organizations.Kasunod nito ay ang pagbisita sa Philippine Military Academy, na binigyan ng welcome receptions at silent drill exhibitions ng mga kadete.
Zaldy Comanda/ABN
December 11, 2021
May 17, 2025
May 17, 2025
May 17, 2025
May 17, 2025
May 17, 2025